Doc Manny Calayan: “Illicit affair lang, hindi naman lovechild”
- Aminado si Doc Manny na nahulog ang loob niya sa isang vlogger na naging pasyente ni Pie
- Tatlong taon tumagal ang relasyon bago ito tuluyang natapos
- Naging dahilan ito ng malamig na pagsasama ng mag-asawa
- Sa kabila ng lahat, nananatili silang business partners sa kanilang clinic
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ang sikretong relasyon ni Doc Manny Calayan sa isang vlogger ang naging mitsa ng tuluyang paglamig ng kanyang pagsasama kay Dra. Pie. Sa panayam ni Susan Enriquez para sa Kay Susan Tayo! Vlogs, prangkang ikinuwento ni Doc Manny ang tungkol sa naging affair.

Source: Youtube
Ayon kay Manny, nahulog ang loob niya sa isang vlogger na kalaunan ay naging pasyente mismo ni Pie. “Tinawag [ni Pie] yung anak ko, ‘Bernice, tingnan mo ito… iyan yung dating kinalolokohan [ng tatay mo],’” pagbabalik-tanaw ni Manny. Tatlong taon tumagal ang relasyon bago ito natapos.
Sa kabila ng nangyari, hindi agad nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Apat na taon pa silang nagsama, ngunit malamig na ang relasyon. “Pero parang cold na yung years na yun,” ani Manny.
Ngayon, estranged partners na lamang sila, ngunit nananatiling business partners sa Manny and Pie Calayan Clinic. Ang kanilang anak na si Beatrice ang nagsisilbing tulay sa business operations. “Never na kaming nagkikita. Ina-avoid niya ako,” ani Manny.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kasalukuyan, kasal pa rin ang estado nina Manny at Pie dahil hindi pa sila nagsusumite ng annulment application sa korte. May tatlo silang anak na babae: sina Hanna, Bernice, at Andrea.
Para kay Manny, malinaw na wala nang pag-asa na muling magkabalikan sila ni Pie. “Tingin ko hindi na. Kasi kilala ko iyan. Pag galit iyan, she forgives, but not forget,” aniya.
Noong early 2000s, sumikat ang mag-asawang Manny at Pie bilang cosmetic surgeons. Ang kanilang clinic ay naging kilalang karibal ng Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo. Ilan sa kanilang celebrity clients ay sina Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao, at Boy Abunda.
Taong 2024 nang kumpirmahin ni Manny ang hiwalayan, ngunit 2019 pa nagwakas ang kanilang pagsasama. “Nagka-clash lang. Maliliit na bagay. Iba na siya, iba na rin ako. Lagi kaming nag-aaway,” ani Manny. Ayon pa sa kanya, mismong kanilang mga anak ang nagsabi na mas mabuti nang maghiwalay kaysa araw-araw na makitang nag-aaway ang kanilang mga magulang.
Maraming public personalities sa Pilipinas ang dumaan sa hiwalayan nitong mga nakaraang taon, at bawat kuwento ay nagbigay ng matinding reaksyon mula sa publiko. Ang mga breakup na ito ay hindi lang usapin ng personal na buhay kundi naging bahagi ng showbiz history na pinag-uusapan ng mga fans at netizens.
Kamakailan, naging laman din ng balita ang opisyal na divorce nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan matapos ang desisyon ng korte sa Amerika. Divorce nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan opisyal na matapos ang desisyon ng korte sa Amerika.
Bukod dito, ibinunyag ni Catriona Gray ang masakit na dahilan ng hiwalayan nila ni Sam Milby. Ang kanyang prangkang pahayag ay nagbigay-linaw sa mga haka-haka tungkol sa kanilang relasyon. Catriona Gray, ibinunyag ang masakit na dahilan ng hiwalayan nila ni Sam Milby.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

