Bea Borres cancels baby shower due to high-risk pregnancy
- Nagbahagi si Bea Borres ng mga larawan mula sa ospital kung saan siya binisita ng pamilya at mga kaibigan habang nagpapagaling at mino-monitor ang kanyang high-risk pregnancy
- Ikinuwento niya na ngayong araw sana gaganapin ang kanyang baby shower ngunit kailangan niyang manatili sa ospital para sa kaligtasan niya at ng kanyang anak
- Inamin ni Bea na nalulungkot at nababahala siya dahil papatapos na rin ang kanyang semester at hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat
- Nagpasalamat siya sa mga dumalaw at humiling ng dasal para sa maayos na kalagayan niya at ng kanyang baby
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-post si Bea Borres ng mga larawan mula sa ospital kung saan makikitang binisita siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa gitna ng kanyang high-risk pregnancy.

Source: Facebook
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Bea ang lungkot at panghihinayang dahil ngayong araw sana gaganapin ang kaniyang baby shower—fully paid na ang mga gastusin at naipadala na ang mga imbitasyon ilang linggo na ang nakalipas, ngunit nananatili pa rin siya sa ospital para sa close monitoring.
Ayon kay Bea, malapit na rin ang pagtatapos ng kanyang semester at hindi niya alam kung paano niya malalampasan ang lahat ng sabay-sabay na pagsubok. “Today was supposed to be my baby shower, payments settled, invites sent to family and friends weeks in advance, but here I am still in the hospital for close monitoring,” ani niya, kasunod ng panawagang ipagdasal ang kanyang anak. Dagdag pa niya: “It’s also almost the end of my semester, and I honestly don’t know how this will go. I’m just really hoping and praying for the best. Please pray for my baby.”
Nagpasalamat din si Bea sa mga naglaan ng oras para siya’y dalawin sa ospital. “Thank you to my family and friends who made time to visit me during times like this. It means so much to be reminded that I’m not alone,” aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa naunang bahagi ng buwan, isiniwalat ni Bea na high-risk ang kanyang pagbubuntis, dahilan upang maging mas mahigpit ang pagmo-monitor sa kanyang kalagayan at sa kanyang baby.

Source: Facebook
Kilala si Bea bilang content creator na madalas magbahagi ng mga personal na kwento tungkol sa kanyang journey bilang estudyante at soon-to-be mom. Sa mga nakaraang buwan, naging bukas siya sa mga pagsubok na kinaharap, lalo na’t kabilang siya sa mga tinuturing na high-risk ang pagbubuntis. Kaya naman hindi na nakapagtataka na mas pinili niyang manatili sa ospital para matiyak ang maayos na kondisyon ng kanyang baby.
Sa kabila ng hindi natuloy na celebration, patuloy pa rin ang pag-agos ng suporta mula sa netizens. Marami ang nagbigay ng encouraging words at panalangin para sa kaniya at sa kanyang anak. Makikita rin sa komento ng mga followers na humahanga sila sa katatagan ni Bea at sa pagiging bukas nito sa kanyang pinagdadaanan.
Si Bea Borres ay isang social media personality na unang nakilala bilang teen content creator bago pa man siya sumabak sa mas seryosong content tungkol sa student life, lifestyle at ngayon—ang kanyang pagbubuntis. Madalas siyang magbahagi ng mga real-life updates na nagiging relatable para sa kanyang followers na karamihan ay kabataan. Sa pag-anunsyo niya ng pagiging soon-to-be mom, mas naging bukas siya sa mga pagbabago at paghahanda para sa bagong yugto ng buhay.
High-risk pregnancy story Sa isang naunang ulat, ibinahagi ni Bea ang karanasan niya bilang high-risk mom-to-be at kung paano nito binago ang kanyang pananaw sa buhay. Inilahad niya kung paano niya tinanggap ang responsibilidad at ang pangako niyang maging isang mas maayos na tao para sa kanyang baby. Lubos na naka-relate ang mga netizens at nagpaabot pa ng mensahe ng pag-asa at suporta.
Isyu sa P300k shopping vlog Kamakailan, nagbigay din ng reaksyon si Bea sa mga puna matapos ang kanyang viral na P300k shopping vlog. Ipinaliwanag niya na may mga hindi nakikita ang publiko at na hindi dapat basta-basta husgahan ang isang tao base sa isang content lamang. Sa kabila ng mga puna, nanindigan siya sa kanyang panig at nagpahayag ng pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

