Joj Agpangan gets baptized, talks about spiritual struggle as a social media star
- Ibinahagi ni Joj Agpangan na nabinyagan siya sa isang Christian church sa Austin, Texas matapos lumipat mula sa Pilipinas at ma-engage sa kanyang foreigner boyfriend
- Ayon kay Joj, ngkaroon siya ng spiritual struggles sa gitnanng pagiging isang artista
- Ikinuwento niya na ang paglipat abroad ay nagdala ng takot at pagdududa ngunit napagtanto niyang ginagabayan siya ng Diyos sa bawat hakbang
- Naging emosyonal ang kanyang pagbibinyag lalo na dahil kasama niya ang kanyang fiancé habang ginagawa ang mahalagang desisyong ito sa kanyang pananampalataya
- Ipinahayag ni Joj na ito ay isang bagong simula at buong puso niyang iniaalay ang sarili sa mga plano ng Diyos para sa kanya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si former Pinoy Big Brother housemate Joj Agpangan ay nagbahagi online ng isang malaking milestone sa kanyang buhay matapos siyang mabinyagan sa isang Christian church sa Austin, Texas.

Source: Instagram
Nangyari ito matapos siyang lumipat mula Pilipinas patungong Amerika at ma-engage sa kanyang foreigner boyfriend. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Joj ang mga larawan at videos ng kanyang emosyonal na pagbibinyag, na aniya ay isa sa pinakamahalagang desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay.
Sa kanyang caption, ikinuwento ni Joj ang kanyang naging paglalakbay—mula sa pressure ng pagiging public figure, hanggang sa malaking pagbabago ng paglipat sa abroad. Inamin niyang maraming takot at pagdududa ang kanyang hinarap bago umalis ng Pilipinas, ngunit ngayon ay mas nauunawaan niya na ang Diyos ang patuloy na gumagabay sa kanya. Ibinahagi rin niya na naging mas makahulugan ang sandaling ito dahil katabi niya ang kanyang fiancé habang ginagawa ang mahalagang hakbang na ito sa kanyang pananampalataya.
Sa dulo ng kanyang post, buong puso niyang ibinahagi ang pasasalamat sa Diyos at sa bagong simula na kanyang tinatanggap, aniya ay handa siyang ialay ang buong sarili sa mga plano at direksyong inihanda para sa kanya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Buong caption ni Joj Agpangan:
“Today, November 16, 2025, I made one of the best decisions of my entire life — I got baptized in Jesus’ name.
I’ve always known God, but life can get loud. With social media, pressure, expectations, and being a public figure, I spent so much of my life trying to please everyone… and forgetting who I was really living for.
Moving from the Philippines to Austin was one of the biggest changes I’ve ever faced. I left behind everything familiar — my comfort, my people, my whole world.
And honestly? I didn’t fully trust myself that I could handle it. I wasn’t sure if I was capable, strong enough, or ready for that kind of shift.
But now I see it so clearly: God was guiding me the whole time. Even in the uncertainty, He was steady. He was patient. He was leading me closer to Him.
Today, while listening to people share their testimonies, something in me shifted.
I felt God whisper, “It’s time.”
And right there, I said yes. No more fear. No more hesitating. Just surrender.
God has been moving so gently, so powerfully in my life — giving us blessings, new opportunities, peace, and surrounding us with the right people at the right time. And doing this with my man beside me made this moment even more meaningful.
This is a new beginning. A step of obedience. A step of trust. A step into the life God has been preparing me for.
I’m excited for everything He has planned, and I’m giving Him all of me.
Lord, I love You. Thank You for guiding me, strengthening me, and never letting go of my hand — from the Philippines, to Austin, to this exact moment. I’m proud to be Your daughter.”
Matatandaang unang sumikat si Joj noong 2012, nang makapasok siya at ang kakambal niyang si Jai Agpangan sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, kung saan nagtapos sila bilang Fourth Big Placer. Pagkatapos ng PBB, parehong pumasok sa showbiz ang kambal at lumabas sa ilang TV shows at pelikula tulad ng Feng Shui 2 (2014), We Will Survive (2016), The Good Son (2017), at Darna (2022).
Kilala si Joj hindi lamang sa kanyang charm at sense of humor kundi sa solid bond niya sa kakambal na si Jai. Magkasama silang nagtrabaho sa ilang proyekto sa ABS-CBN at kilala bilang isa sa pinakasikat na kambal sa reality TV history ng bansa.
Bilang isang artista, patuloy na pinapatunayan ni Joj na kaya niyang balansehin ang buhay sa spotlight at ang kanyang personal na kaligayahan, at ang kanyang engagement kay Danny ay tila isang bagong simula — hindi lang bilang artista, kundi bilang isang babae handang magtayo ng sariling pamilya.
Noong 2018, ipinagdiwang ng kambal na sina Joj at Jai Agpangan ang pagtatapos nila sa kolehiyo sa University of the Philippines. Parehong masaya nilang ibinahagi sa social media ang milestone na ito bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa edukasyon kahit abala sa showbiz career. Marami sa kanilang fans ang humanga sa kanilang determinasyon at pagiging inspirasyon sa kabataan.
Noong nakaraang taon, nag-viral sa social media ang magkapatid matapos silang mapagkamalang miyembro ng international singing group na 4th Impact. Sa halip na mainis, game nilang tinanggap ang biro ng mga netizens at sinabing “Dalawang Impact lang kami.” Pinatunayan ng kambal na kahit simple, natural pa rin ang kanilang sense of humor at pagiging relatable sa fans.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


