Lexi Gonzales kabilang sa mga stranded sa malalang pagbaha sa Quezon City
- Malakas na ulan nitong Sabado ay nagdulot ng malalang pagbaha sa Quezon City kung saan maraming kalsada ang hindi madaanan
- Ayon sa lokal na pamahalaan, hindi nakayanan ng drainage system ang dami ng tubig-ulan na bumuhos sa loob ng maikling panahon
- Stranded ang kotse ni dating Starstruck contestant na si Lexi Gonzales, na nagbahagi ng kanyang emosyonal na karanasan sa social media
- Nagpasalamat si Lexi sa mga residente ng Barangay Quirino, Quezon City na tumulong sa kanya at nanawagan din ng tulong para sa mga apektadong pamilya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang matinding pagbaha ang tumama sa Quezon City nitong Sabado matapos ang halos walang tigil na buhos ng ulan, dahilan para lumubog ang ilang kalsada at hindi na madaanan ng mga pribado at pampublikong sasakyan. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, hindi nakayanan ng drainage system ang sobrang dami ng tubig-ulan, dahilan para bahain maging ang mga lugar na karaniwang hindi tinatamaan ng ganitong kalalaking pagbaha.

Source: Facebook
Maging ang aktres at dating Starstruck contestant na si Lexi Gonzales ay hindi nakaligtas sa pinsala ng kalamidad matapos ma-stranded ang minamanehong sasakyan sa Barangay Quirino, 2-C Pajo Street, Quezon City.
Sa pamamagitan ng social media, real-time na ibinahagi ni Lexi ang kanyang naranasang takot at pangamba habang unti-unting nilulubog ng baha ang kalsadang tinatahak. “Sobrang nakakaawa… wala akong magawa,” ani Lexi na emosyonal habang ikinukwento ang kanyang sitwasyon.
Ayon kay Lexi, mas lalo siyang naluha nang masaksihan ang hirap ng mga residente sa lugar. “Nawala lahat [yung takot ko para sa sarili ko] nung nakita ko yung sitwasyon nila dito. Walang-wala yung problema ko sa problema nila,” wika ng aktres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, “At walang rescue, walang pumunta rito para tulungan sila. Kasi lagi ’tong nangyayari sa kanila.”
Naging viral ang kanyang mga video kung saan hindi napigilang umiyak ni Lexi habang nakikita mismo ang hirap na pinagdadaanan ng mga residente. “Mahirap pala pag nakikita mo siya firsthand. Kasi alam ko, ako naaawa ako pag napapanood ko sa balita, pag nakikita ko ’yung mga video, naaawa ako. Pero mas masakit pala pag nakikita mo in person, sobrang nakakaawa. Wala akong magawa kundi mag-video,” dagdag niya.
Makalipas ang ilang oras, ligtas ding nakauwi si Lexi at nagbigay ng update sa kanyang TikTok. Nagpasalamat siya sa mga residente na hindi siya pinabayaan nang maipit siya sa baha.
Si Lexi Gonzales ay unang nakilala bilang isa sa mga contestant ng GMA Network reality talent show na Starstruck. Mula noon ay nakasali na siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon at nakilala rin sa social media dahil sa kanyang mga personal na vlogs at updates. Kilala siya sa pagiging vocal sa kanyang mga nararanasan, bagay na lalo pang minahal ng kanyang mga tagasuporta.
Ang kanyang pagbabahagi ng karanasan sa baha ay nagbigay-diin hindi lamang sa personal niyang sitwasyon, kundi pati na rin sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan na araw-araw na nakakaranas ng ganitong hirap tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
Kamakailan lang, gumawa rin ng ingay online si Doug Kramer matapos magbahagi ng makapangyarihang pahayag tungkol sa politika at kasakiman. Ayon kay Doug, masakit isipin na tila inuuna ng ilan ang pansariling interes kaysa sa tunay na kapakanan ng taumbayan. Naging viral ang kanyang post na nag-udyok ng talakayan sa social media tungkol sa pamamahala at integridad ng mga nasa posisyon.
Samantala, si Slater Young naman ay pumalag sa mga paratang na siya umano ay isang government contractor. Sa kanyang pahayag, nilinaw ng dating PBB housemate na wala siyang kinalaman sa nasabing isyu at nanindigang hindi siya sangkot sa anumang kontrata ng gobyerno. Ayon kay Slater, hindi tama na basta na lamang pagbintangan nang walang sapat na ebidensya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh