Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha

Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha

  • Muling naranasan ni Ninong Ry ang matinding pagbaha sa kanyang kitchen studio kamakailan
  • Matapos ang malawakang paglilinis, inamin niyang kailangan na nilang humanap ng bagong lugar
  • Humingi siya ng tulong sa mga followers sa paghahanap ng ligtas at malapit na espasyo
  • Bagamat mabigat sa damdamin, tinanggap niyang panahon na upang makapagpatuloy nang ligtas

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos muling salantain ng matinding pagbaha, napilitang harapin ni Ninong Ry ang masakit na katotohanang baka kailangan na niyang iwan ang kanyang minamahal na kitchen studio. Sa isang Facebook post noong Agosto 5, inilahad ng kilalang chef at content creator na si Ryan Morales Reyes, mas kilala bilang Ninong Ry, na sa kabila ng kanilang mabilis na recovery at general cleaning, tila wala nang kasiguruhan sa kanilang kasalukuyang espasyo. “Nakakalungkot isipin na mauulit pa rin ‘to,” ani Ninong Ry.

Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha
Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha (📷Ninong Ry/Facebook)
Source: Facebook

Dagdag niya, “Sobrang daming oras, energy, at pera ang nasasayang tuwing mangyayari ‘to kaya palagay ko, oras na. Oras na siguro para humanap kami ng bagong studio.” Para sa kanya, hindi lamang ito usapin ng espasyo, kundi ng seguridad ng kanyang team at tuloy-tuloy na paggawa ng content. Kaya naman bukas ang kanyang puso at isipan sa posibilidad ng paglipat—isang hakbang na hindi madali, ngunit kinakailangan.

Read also

Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali

Sa nasabing post, humingi rin siya ng tulong sa kanyang mga tagasubaybay. “Pwedeng bahay, or kung ano man na pwede naming i-fit out na maging studio. Yung medyo malapit lang po sa Malabon para hindi mahirapang bumyahe ang team. Yung may parking po sana at hindi gaanong binabaha,” ani pa niya. Malinaw ang kanyang layunin—makahanap ng mas ligtas at mas praktikal na espasyong maaaring gawing bagong tahanan ng kanyang cooking content.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ninong Ry ay isa sa pinakasikat na food content creators sa bansa, kilala sa kanyang nakakaaliw at nakakatakam na cooking videos na sinamahan ng kanyang signature humor at makataong approach. Mula noong pandemya, umusbong ang kanyang popularidad, at patuloy siyang minamahal ng kanyang lumalawak na fanbase sa social media.

Hindi rin bago sa kanya ang pagharap sa kalamidad. Sa katunayan, noong nakaraang taon ay ibinahagi rin niya ang pagkasira ng kanilang tahanan matapos hagupitin ng isang malakas na bagyo. Sa kabila ng mga pagsubok, palagi siyang nagbibigay ng positibong mensahe sa kanyang mga tagasubaybay, isang bagay na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

75-anyos na babaeng naiulat na nawawala sa Las Vegas, natagpuang naaagnas na

Sa isang nakakatuwang post, kinagiliwan ng netizens si Ninong Ry matapos niyang gayahin ang iconic na larawan ni Anne Curtis habang hinihila ang asawang si Erwan Heussaff. Bitbit ang kanyang humor at creativity, naging viral ang kanyang bersyon ng meme at umani ng papuri mula sa fans. Patunay lamang ito sa natural niyang talento sa pagpapatawa at pagkuha ng atensyon ng masa.

Noong Hulyo 22, ibinahagi ni Ninong Ry sa social media ang kalunos-lunos na lagay ng kanilang bahay na muling sinalanta ng baha dala ng monsoon rains. Gayunman, pinili pa rin niyang magbigay ng mensahe ng pag-asa sa kanyang followers, patunay ng kanyang resiliency at pagiging positibong huwaran sa social media. Nagpasalamat siya sa mga tumulong at nagparamdam ng suporta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate