“Mali kami”: John Rendez, emosyonal na nagsalita sa naging operasyon ni Ate Guy
- Ibinunyag ni John Rendez sa panayam kay Julius Babao na nagsisisi siya sa naging desisyon na ipa-angioplasty si Nora Aunor
- Ayon sa kanya, tila doon pa nangyari ang hindi inaasahang pagkawala ni Ate Guy kaya inamin niyang “mali kami”
- Sa parehong panayam, sinabi rin niyang hindi niya naramdaman ang pagiging welcome sa mismong burol ng Superstar kaya piniling tumayo na lang siya sa labas kasama ang fans
- Dagdag pa ni John, sa kabila ng lahat, natagpuan niya ang kapayapaan sa Diyos at mas naging malapit siya sa pananampalataya matapos ang pagpanaw ng minamahal na aktres
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Emosyonal at puno ng panghihinayang ang naging pagbabahagi ng singer at long-time companion ni Nora Aunor na si John Rendez sa isang panayam kasama si Julius Babao. Dito, inamin niyang nagsisi siya sa naging desisyon na isailalim sa angioplasty si Ate Guy, na naging sanhi umano ng biglaang pagkamatay nito.

Source: Youtube
“Mali kami, hindi dapat siya nagpa-angioplasty. Kung kailan naopera, doon pa siya kinuha,” saad ni John. Ayon sa kanya, ramdam pa raw niya ang pag-iyak ni Nora habang hawak niya ang kamay nito. Sa kabila ng sakit, pilit niyang pinatatag ang loob ng Superstar, umaasang magiging maayos ang lahat—ngunit hindi ito nangyari.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa pang masaklap para kay John ay ang pakiramdam niyang tila hindi siya welcome sa mismong burol ni Nora. “Nang pumasok ako, pinagtitinginan ako ng mga tao na parang may ginawa ako,” pagbabahagi niya. Dahil dito, pinili na lamang niyang manatili sa labas ng venue kasama ang mga fans. Bagama’t mahigit isang buwan na mula nang pumanaw ang Superstar, aminado si John na mahaba pa ang proseso ng paghilom sa kanyang puso.
Sa kabila ng lahat, natagpuan ni John ang aliw sa pananampalataya. “This has brought me closer to God,” ani niya. Sa panahong puno ng pagdadalamhati, naging sandigan niya ang Panginoon upang muling ayusin ang kanyang sarili at magpatuloy.
Si Nora Aunor, kilala bilang “Superstar” ng Philippine entertainment, ay isang multi-awarded actress at singer na tinanghal ding National Artist for Film and Broadcast Arts. Kilala siya sa kanyang makapangyarihang pagganap sa pelikula at sa kanyang husay sa pagkanta, lalo na sa mga kantang nagmarka sa puso ng mga Pilipino. Sa halos anim na dekada sa industriya, naging inspirasyon siya ng maraming artista at naging mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Ang kanyang pagpanaw noong Abril 2025 ay nagdulot ng matinding lungkot sa buong bansa.
Naglabas ng mga makahulugang post sa social media si Lotlot de Leon na tila patama sa ilang isyu kaugnay ng yumaong ina. Bagama’t hindi tahasang tinukoy kung sino ang pinatatamaan, nagdulot ito ng espekulasyon na may kinalaman ito sa mga taong sangkot sa mga huling sandali ni Nora Aunor. Mabilis namang nag-viral ang kanyang post at umani ng reaksyon mula sa netizens.
Nagbigay-linaw si Ian de Leon sa estado ng mga ari-arian na naiwan ng kanilang ina. Ayon sa kanya, ginagawa nila ang lahat ng legal na proseso upang maayos itong mapamahalaan. Nilinaw din niya na walang tensyon sa pamilya pagdating sa mga usaping ito, at layunin lamang nilang maipreserba ang legasiya ni Nora Aunor bilang isang artista at ina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh