Dating komedyanteng si Kuhol, sa isang multicab na lamang natutulog

Dating komedyanteng si Kuhol, sa isang multicab na lamang natutulog

- Natutulog sa isang multicab ang dating komedyanteng si Kuhol matapos mawalang ng tirahan at trabaho

- Humiwalay siya sa kanyang asawa at umaasa sa limos para may makain sa araw-araw

- Kinausap siya ni Bernadette Sembrano at inamin niyang nais niyang makabalik sa industriya ng showbiz

- Umaasa siyang matulungan ni Coco Martin na mabigyan ng trabaho tulad ng ibang dating artista

Minsang nagbigay saya sa telebisyon at pelikula noong dekada ‘90, ngayon ay humaharap sa matinding pagsubok ang dating komedyanteng si Kuhol, o Philip Supnet sa tunay na buhay. Sa edad na 67, hiwalay sa asawa at walang permanenteng tirahan, natutulog na lamang siya sa isang multicab sa kanilang barangay.

Dating komedyanteng si Kuhol, sa isang multicab na lamang natutulog
Dating komedyanteng si Kuhol, sa isang multicab na lamang natutulog (📷@abscbnpr/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang panayam ng mamamahayag na si Bernadette Sembrano, inamin ni Kuhol na mahirap ang kanyang sitwasyon. Aminado rin siyang nahihiya ngunit kinakailangan niyang mamalimos upang may makain sa araw-araw. “Wala na po akong trabaho, wala rin pong matutuluyan, kaya kahit nakakahiya, nagagawa kong humingi ng kaunting tulong sa mga tao,” pahayag niya.

Read also

Jennica Garcia, binahaging nakalipat na sa mas malaking bahay kasama ang mga anak

Isa sa kanyang mga hiling ay mabigyan ng pagkakataong makabalik sa industriya ng showbiz. Umaasa siyang mapansin ni Coco Martin, na kilalang nagbibigay ng trabaho sa mga dating artista sa kanyang mga proyekto, tulad ng FPJ’s Batang Quiapo.

Maraming netizens ang naantig sa kanyang kalagayan at umaasang may mabubuting loob na tutulong sa kanya. Sa kabila ng matinding pagsubok, patuloy pa rin ang kanyang pananalig na darating ang bagong oportunidad upang makabangon muli.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Noong 2018, naaresto si Kuhol matapos itong akusahan na hinalikan ang kanyang 10-taong gulang na inaanak sa mga labi.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng Quezon City Police District (QCPD), si Supnet, 58-anyos, at residente ng Barangay North Fairview, ay hinuli matapos ang report mula sa pamilya ng bata. Ang insidente ay naganap habang ang inaanak ay namimili sa kanyang tindahan sa Axtell Street, Barangay North Fairview.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng batang inaanak na inanyayahan siya ni Supnet na pumasok sa tindahan, kung saan hinawakan siya ng suspect at hinalikan sa labi. Matapos ang pangyayari, sinabi nito sa bata na manahimik at bumalik kinabukasan.

Read also

Jam Ignacio, binahagi ang aniya'y pinagmulan ng kanilang pagtatalo ni Jellie Aw

Nang mag-uwi ang bata, labis ang takot at pagkalumbay na naramdaman nito, kaya’t agad siyang nag-ulat sa kanyang ama. Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, mabilis na naaresto si Supnet at dinala sa QCPD-Fairview Police Station.

Ayon sa mga ulat mula sa pulisya, hindi itinanggi ng suspect ang akusasyon at humingi ito ng tawad sa pamilya ng biktima.

Si Coco Martin ay isa sa mga pinakamalaking bituin sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, ngunit higit pa sa kanyang tagumpay ay ang kanyang malasakit sa kapwa artista, lalo na sa mga dating bituin na nawalan ng trabaho. Sa mga nagdaang taon, maraming beteranong artista ang nagbalik sa telebisyon at pelikula dahil sa kanyang tulong at pagbibigay ng oportunidad.

Nagsimula ito sa kanyang proyekto sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan binigyan niya ng papel ang ilang dating sikat ngunit nalimutang mga artista gaya nina Mark Lapid, Whitney Tyson, Mystica, Roderick Paulate, at iba pa. Ayon kay Coco, gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang mga beteranong artista na muling ipakita ang kanilang talento sa harap ng kamera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate