Kapatid ni Barbie Hsu, pinabulaanang ang ex ng kapatid ang nagbayad sa private jet
- Naiuwi na sa Taiwan ang mga labi ng yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu matapos itong sumailalim sa cremation sa Japan habang walang gaganaping memorial service ayon sa kanyang pamilya
- Ayon kay Dee Hsu, kapatid ng aktres, ginusto ni Barbie na mamuhay nang pribado kaya't hiniling ng kanilang pamilya na alalahanin na lamang siya sa puso ng kanyang mga tagahanga
- Ang asawa ng aktres na si Koo Jun-yup ang nakita ng media na may hawak ng urn ni Barbie Hsu matapos itong dumating sa Taipei Songshan Airport sakay ng isang private jet
- Pinabulaanan ni Dee Hsu ang mga espekulasyon na ang private jet ay pinondohan ng dating asawa ni Barbie na si WangXiaofei at iginiit na ang kanilang pamilya ang namahala sa lahat ng mga paghahanda
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naiuwi na sa Taiwan ang mga labi ng yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu matapos ang kanyang pagpanaw noong Pebrero 2 sa edad na 48 dahil sa pulmonya habang nasa bakasyon sa Japan. Gayunman, inihayag ng kanyang pamilya na walang gaganaping memorial service para sa Meteor Garden (2001) star, na mas kilala sa kanyang stage name na Big S.
![Kapatid ni Barbie Hsu, pinabulaanang ang ex ng kapatid ang nagbayad sa private jet Kapatid ni Barbie Hsu, pinabulaanang ang ex ng kapatid ang nagbayad sa private jet](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/29ccbfa78bae7c19.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Ayon sa nakababatang kapatid ni Barbie na si Dee Hsu, isang kilalang TV host sa Taiwan, ito ay alinsunod sa kagustuhan ng aktres na mamuhay nang pribado.
“Thank you to members of the media who have been awaiting Barbie’s return in such cold weather. She has made it home safely. I believe she is happy and carefree in heaven now,” pahayag ni Dee sa isang press statement noong Pebrero 5 sa pamamagitan ng kanyang manager.
Dagdag pa niya, “We will not be holding a memorial service for Barbie since she always liked to keep a low profile. If you miss her, keep her in your heart. Our whole family thanks you for the love you have for Barbie.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Batay sa ulat ng media sa Taiwan, sumailalim sa cremation ang mga labi ni Barbie Hsu sa Japan bago ibinalik sa Taiwan noong Pebrero 5 sakay ng isang private jet mula sa VistaJet. Nakunan ng media ang kanyang asawa, ang South Korean musician na si Koo Jun-yup, habang bitbit ang urn ng aktres pagdating sa Taipei Songshan Airport.
Ayon pa sa ulat, kulay pink ang urn ng aktres upang sumalamin sa kanyang masiglang personalidad, at mananatili ito sa kanilang tahanan imbes na ilagak sa isang columbarium.
Samantala, isang netizen sa Chinese microblogging site na Weibo ang nagsabing ang private jet na naghatid sa mga abo ni Barbie pabalik ng Taiwan ay sinagot umano ng dating asawa niyang si WangXiaofei, isang Chinese businessman. Lalo pang lumakas ang haka-haka matapos i-like ng ina ni W^ng, ang restaurant entrepreneur na si Zhang Lan, ang isang post na nagpapahiwatig na si W^ng ang nagbayad para sa serbisyo ng jet.
Mariing pinabulaanan ni Dee Hsu ang tsismis na ito sa pamamagitan ng kanyang manager. “I don’t understand why there is this lie floating around that WangXiaofei chartered the private jet. Heaven is watching what you’re doing, especially now that Barbie is up there looking down too. Must these unbearable rumours continue to spread?”
Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.
Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.
Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh