DJ Koo, pinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu tungkol sa isyu ng 'insurance fraud'

DJ Koo, pinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu tungkol sa isyu ng 'insurance fraud'

  • Ipinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu na si Angelina Liao si Koo Jun Yup laban sa mga paratang at espikulasyon
  • Mariing itinanggi ni Liao ang alegasyon na kumuha si Koo Jun Yup ng life insurance policy sa pangalan ni Barbie Hsu at pinuri siya bilang isang mabuting asawa at ama
  • Pinuna ni Liao si WangXiaofei sa diumano'y pagsasabwatan upang magpakalat ng maling impormasyon, kabilang ang pagpapanggap nitong naglakad sa ulan at pagbabayad umano ng pribadong eroplano para maiuwi ang abo ng aktres
  • Matatandaang naglabas ng emosyonal na pahayag si DJ Koo sa social media kung saan ipinaabot niya ang sama ng loob sa paninirang ibinabato laban sa kanya at sa kanyang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patuloy ang matinding akusasyon laban kay Koo Jun Yup, ang pangalawang asawa ng yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu, mula sa panig ng dating asawa nitong si WangXiaofei.

DJ Koo, pinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu tungkol sa isyu ng 'insurance fraud'
DJ Koo, pinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu tungkol sa isyu ng 'insurance fraud' (@hsushiyuan, @djkoo/Instagram)
Source: Instagram

Noong Pebrero 7, ipinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu na si Angelina Liao si DJ Koo sa pamamagitan ng isang pahayag sa social media upang pabulaanan ang mga maling espekulasyon at tuligsain ang ginagawang paninira umano ni WangXiaofei sa kanilang relasyon.

Read also

Kapatid ni Barbie Hsu, pinabulaanang ang ex ng kapatid ang nagbayad sa private jet

Isa sa pinaka-mapanghamak na paratang laban kay Koo Jun Yup, miyembro ng CLON, ay ang umano’y pagkuha niya ng life insurance policy sa pangalan ni Barbie Hsu.

Ngunit agad itong itinanggi ni Angelina Liao, na nagsabing walang katotohanan ang alegasyon. Bagkus, pinuri pa niya si DJ Koo bilang isang mapagmahal na asawa at ama. Ayon sa kanya, "A true man is someone who protects Barbie Hsu’s children from her perspective."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Liao, "In her (Barbie Hsu's) mother’s eyes, the three years Barbie Hsu spent with Koo Jun Yup were the happiest of her 48-year life." Isa itong matibay na pagtanggi sa kumakalat na haka-haka na itinuturing ng ina ni Barbie Hsu na si WangXiaofei ang totoong pag-ibig ng kanyang anak. Kasabay nito, binatikos din niya si WangXiaofei sa pagsasabing, "While we are quietly mourning, the other side is desperately spreading falsehoods."

Binigyang-diin din ng manager ang umano’y kasinungalingan ni WangXiaofei tungkol sa pagbabayad ng isang pribadong eroplano upang maiuwi ang abo ni Barbie Hsu sa Taiwan. Matapang niyang pinuna ito sa pagsasabing, “All he did was instruct the driver to drop him off in front of reporters.”

Read also

Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan

Pinahayag din niya ang kanyang pagkadismaya sa mga naunang ulat na nagpakita kay WangXiaofei na naglakad sa ulan nang 30 minuto pauwi matapos itong bumalik sa Taiwan. Aniya, isang palabas lamang ito at sinadya ni WangXiaofei na ipatawag ang mga mamamahayag upang "stage a scene."

Bukod kay Angelina Liao, nagsalita rin mismo si DJ Koo sa kanyang Instagram noong Pebrero 6 upang ipahayag ang kanyang saloobin sa mga negatibong pangyayari. Sa kanyang emosyonal na post, sinabi niya, "Even before the pain and mourning of the great loss had passed, some devilish people began to slander my family and my love."

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.

Read also

Cristine Reyes, nag-react matapos mag-viral ang kanyang post tungkol kay Barbie Hsu

Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate