The Voice USA' champ Sofronio Vazquez, nakabalik na sa Pilipinas
- Mainit na sinalubong si Sofronio Vasquez ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa NAIA Terminal 1 sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ngayong Enero 5
- Nag-ukit si Sofronio ng kasaysayan bilang unang Asian at Pilipinong nagwagi sa The Voice noong Setyembre, bitbit ang premyong $100,000 at recording contract
- Matapos dumating, tumuloy agad siya sa rehearsal para sa It's Showtime na ipapalabas sa Enero 6
- Inanunsyo niya ang kanyang kauna-unahang concert sa Pilipinas na gaganapin sa Cebu ngayong Enero 2025
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mainit na sinalubong ng kanyang pamilya at mga kaibigan si Sofronio Vasquez, ang kauna-unahang Asyano at Pilipinong nagwagi sa The Voice, sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Enero 5.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Sofronio ang video report ng kanyang pagdating na may caption na, “I'm back, Pinas 🇵🇭.”
Pagkatapos ng kanyang pagdating, tumuloy agad si Sofronio sa isang studio para mag-rehearse. Sa hiwalay na post, sinabi niyang, “All set for It's Showtime” na mapapanood sa Lunes, Enero 6. Dagdag pa niya, “So good to be back, this studio used to be my working space.”
Si Sofronio ay nag-ukit ng kasaysayan noong Setyembre bilang unang Asian at Pilipino na nagwagi sa international singing competition na The Voice. Nakuha niya ang karamihan ng boto mula sa Amerika, na nagdala sa kanya ng premyong US $100,000 at isang recording contract sa Universal Music Group.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang eksklusibong panayam sa PEOPLE noong Disyembre 9, ibinahagi ni Sofronio ang pinakamahirap na bahagi ng kanyang laban sa kompetisyon. Aniya, “The hardest thing that I did with this journey is being away from my family. Being in the Philippines is really weird because we have a different scene of music there... they are not looking for the big belters here.”
Samantala, bago matapos ang taon, inanunsyo ni Sofronio sa Facebook noong Disyembre 27 ang kanyang unang concert sa Pilipinas na magaganap sa Cebu ngayong Enero 2025.
Tunay na hindi lamang talento ang bitbit ni Sofronio pauwi ng Pilipinas kundi inspirasyon at karangalan para sa kanyang mga kababayan.
Si Sofronio Vasquez ay isang Filipino singer na nakilala matapos maging kampeon ng The Voice Season 26 sa Amerika. Bago nito, sumali siya sa mga lokal na singing competition sa Pilipinas tulad ng Tawag ng Tanghalan at The Voice Philippines.
Nagbahagi ng kanyang saloobin si Michael Bublé, coach sa The Voice US, matapos ang finals night ng sikat na singing competition kung saan nagpakitang-gilas ang Pilipinong singer na si Sofronio Vasquez. Sa panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, inihayag ni Bublé ang posibilidad na makagawa ng kasaysayan si Sofronio.
Pinasikat ng Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang pangalan ng bansa matapos siyang tanghaling kampeon sa Season 26 ng The Voice ngayong Martes, Disyembre 10. Ang tagumpay na ito ay nagdala rin ng unang panalo para kay Michael Bublé bilang coach sa kanyang debut season.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh