Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

- Ibinunyag ni Chloe San Jose na 'fake account' umano ni Sophia delas Alas ang nakipagsagutan sa kanya sa Facebook

- Sinabi ni Chloe na hindi nagkumpirma ang naturang account nang tanungin niya ito sa personal na Instagram ni Sophia

- Matatandaang naging usap-usapan ang komento ng naturang Facebook user na nagpakilalang anak ni Aiai

- Wala pang opisyal na pahayag mula kay Sophia delas Alas kaugnay sa isyung ito

Ibinulgar ni Chloe San Jose na 'fake account' umano ni Sophia delas Alas ang kanyang nakasagutan at naghamon sa kanya sa comment section ng kanyang pinakabagong Facebook post.

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya
Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya
Source: Instagram

Ayon kay Chloe, napansin niyang kahina-hinala ang nasabing account kaya't agad niyang sinubukang kumpirmahin ang pagkakakilanlan nito sa personal Instagram ni Sophia. Aniya sa kanyang comment sa isang post ni Senyora, “Fake account naman pala ni Sophia, girl. Delivered zone when I asked to confirm her identity sa personal IG.”

Matatandaang nag-viral ang komento ng isang user na nagpakilalang Sophia delas Alas, kung saan hinamon nito si Chloe na gawing public ang kanyang post patungkol sa ina ni Sophia.

Read also

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Marami ang naniwala na si Sophia mismo ang nagkomento, ngunit iginiit ni Chloe na isang impostor lamang ito. Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na reaksyon mula kay Sophia delas Alas ukol sa akusasyong ito ni Chloe, na nagdulot ng mas mainit pang usap-usapan sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.

Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media. Read more:

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate