Miss Myanmar, viral matapos tanggalin ng pageant director ang kanyang sash at korona

Miss Myanmar, viral matapos tanggalin ng pageant director ang kanyang sash at korona

- Umantig sa mga pageant fans si Miss Grand Myanmar Thae Su Nyeim matapos siyang makitang umiiyak habang agresibong tinanggal ng national director ng Myanmar ang kanyang korona at sash matapos ang koronasyon

- Makikita sa video na buhat si Thae ng kanyang team habang kinuha ni Htoo Ant Lwin ang kanyang korona at sash

- Nagbigay ng cryptic post si Htoo na "Bye forever" matapos ang pag-anunsyo kay Thae bilang second runner-up at nag-live din siya upang kwestyunin ang umano’y hindi makatarungang resulta ng pageant

- Wala pang inilalabas na pahayag ang Miss Grand International ukol sa insidente

Umantig sa damdamin ng mga pageant fans ang second runner-up ng Miss Grand International 2024 na si Thae Su Nyeim ng Myanmar matapos mapansin ang kanyang pag-iyak habang agresibong tinanggal ng national director ng Myanmar na si Htoo Ant Lwin ang kanyang sash at korona matapos ang koronasyon ng mga nanalo.

Read also

John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'

Miss Myanmar, viral matapos tanggalin ng pageant director ang kanyang sash at korona
Miss Myanmar, viral matapos tanggalin ng pageant director ang kanyang sash at korona
Source: Facebook

Ayon sa video na ibinahagi ng Missosology sa Facebook noong Oktubre 26, Sabado, makikita si Thae na nakatayo sa entablado habang inaasistehan ng kanyang team pababa ng stage. Iniulat na biglang kinuha ni Htoo ang korona mula sa kanyang ulo at tinanggal ang kanyang sash habang buhat siya ng isa sa kanilang mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinuwento rin ng ilang nakasaksi na pagkatapos ng insidente, tinulungan ni Htoo si Thae habang umiiyak ito, ngunit nagkaroon pa umano ng komprontasyon nang biglang itinuro at sinigawan ni Htoo ang isang taong kumukuha ng video.

Sa isang post na inilagay sa kanyang Facebook page matapos ideklara si Thae bilang second runner-up, sinabi ni Htoo ang salitang "Bye forever," na nagdulot ng palaisipan sa mga fans. Kalaunan, nag-live si Htoo at ipinahayag ang kanyang hindi pagsang-ayon sa resulta, na tinawag niyang di-makatarungan laban kay Thae, at ipinahayag din niya ang desisyon ng Myanmar na hindi na sumali sa pageant na ito.

Read also

Slumbook ni Nora Aunor noong 1960s, trending dahil sa agaw-pansin na favorite drink

Gayunpaman, naglabas si Htoo ng isang panibagong post matapos ang ilang oras, na tila nagpapahiwatig ng pagdududa sa kanyang naunang pahayag.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa Miss Grand International organization ukol sa insidente. Ang titleholder ng Miss Grand International 2024 ay si Rachel Gupta mula sa India, samantalang ang pambato ng Pilipinas na si CJ Opiaza ay itinanghal na first runner-up.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate