Xander Arizala, naghayag ng saloobin matapos walang matanggap na regalo ang anak

Xander Arizala, naghayag ng saloobin matapos walang matanggap na regalo ang anak

  • Naghayag si Xander Arizala ng sama ng loob matapos walang natanggap na regalo ang anak mula sa mga ninong at ninang
  • Sinabi niyang nakakahiya nang lumapit sa mga kaibigang dati nangakong magiging bahagi ng buhay ng kanyang anak
  • Ibinahagi niya ang pagmamahal sa anak na ipinagdiwang ang ika-2 kaarawan ngayong Disyembre 29
  • Naging usap-usapan ang kanyang post sa social media, na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

Ibinahagi ng social media personality na si Xander Arizala ang kaniyang sama ng loob matapos walang matanggap na regalo ang kaniyang anak mula sa mga kaibigang nagsabing magiging ninong at ninang nito. Sa kaniyang post, ipinaabot ni Xander ang kanyang nararamdaman, na tila puno ng pagkadismaya at pagkalungkot.

Xander Arizala, naghayag ng saloobin matapos walang matanggap na regalo ang anak
Xander Arizala, naghayag ng saloobin matapos walang matanggap na regalo ang anak
Source: Facebook

"Ganito pala ang pakiramdam na walang natangap kahit piso sa mga dating kaibigan na nag sabi 'ako ninong/ninang ng anak mo ah mag tatampo ako pag hindi'," ani Xander sa unang bahagi ng kaniyang post.

Read also

Pokwang, ibinunyag na walang child support si Lee O’Brian para kay Malia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, tila nagiging mas mahirap na makipag-ugnayan sa ilang kaibigan ngayong panahon ng Pasko.

"Sa panahon ngayun nakakahiya nang lumapit at bumati sa mga yun kasi dikanaman nila papansinin. Pero pag may blessing na dumating sayo kahit dimo kumbidahin andyan bigla tapos mauuna pang mag congrats sayo!"

Sa kabila ng kanyang hinanakit, nagbigay din si Xander ng mensahe ng pagmamahal para sa anak, na ipinagdiwang ang ika-2 kaarawan nito ngayong Disyembre 29.

"Happy 2nd birthday anak ngayung December 29. Kahit wala ka natangap sa mga ninong mo, makasama mo lang kami ni mommy mo, merry na yang Christmas mo. Iloveyou anak."

Ang post na ito ni Xander ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Habang ang ilan ay nagpahayag ng simpatya sa kaniyang nararamdaman, may mga nagpaalala rin tungkol sa tunay na diwa ng Pasko at ang responsibilidad ng mga magulang.

Read also

Pokwang, proud lola sa apat na taong gulang na apo sa anak na si Mae

Si Xander Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: