Papi Galang, nanganak na sa kanyang pangatlong anak

Papi Galang, nanganak na sa kanyang pangatlong anak

- Hindi na nagpadala sa ospital si Papi Galang dahil aniya ay ayaw niya nang maranasan ang nangyari nang manganak siya sa pangalawang anak

- Kinailangan kasi niyang pigilan ang panganganak habang bumibiyahe sila papuntang ospital

- Sa pinakabagong episode ng reality show ay naipakita nila ang panganganak ni Papi sa bahay sa pamamagitan ng water birth

- Masayang-masaya ang kanyang mga kasamahan nang masilayan ang anak niyang muli ay isang babae kagaya ng hiling ng panganay niyang anak na si Hapi

Isang masayang balita ang ibinahagi ng ToRo family matapos manganak ni Papi Galang sa kanyang pangatlong anak. Hindi na nagpadala sa ospital si Papi dahil aniya ay ayaw niya nang maranasan ang nangyari nang manganak siya sa kanyang pangalawang anak.

Papi Galang, nanganak na sa kanyang pangatlong anak
Papi Galang, nanganak na sa kanyang pangatlong anak
Source: Youtube

Matatandaang kinailangan niyang pigilan ang panganganak habang bumibiyahe sila papuntang ospital noon, isang karanasang hindi niya malilimutan.

Read also

Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig

Sa pinakabagong episode ng kanilang reality show, naipakita nila ang panganganak ni Papi sa bahay sa pamamagitan ng water birth. Ito ay isang makabagong paraan ng panganganak na ginanap sa isang malaking tub na puno ng maligamgam na tubig.

Masayang-masaya ang kanyang mga kasamahan nang masilayan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, na isang malusog na sanggol na babae. Ito ay isang katuparan ng hiling ng panganay niyang anak na si Hapi, na nagnanais ng isang kapatid na babae.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Read also

Lalaki, ninakaw noong sanggol pa; napag-alamang anak pala siya ng milyonaryo

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel