Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog

Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog

- Kinaaliwan si Miss Grace sa kanyang binahaging vlog sa kanyang Facebook page

- Ito ang kanyang unang solo vlog simula nang magkaroon siya ng kanyang sarili niyang social media pages

- Binasa ni Miss Grace ang mga natanggap niyang mga messages sa kanyang Instagram

- Karamihan sa mga mensahe niya ay mula sa mga netizens na humahanga sa kanyang kagandahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Miss Grace ang kanyang kauna-unahang vlog. Binahagi niya ang kanyang reaksiyon sa mga mensaheng natanggap niya sa Instagram.

Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog
Miss Grace, kinaaliwan sa kanyang binahaging kauna-unahang vlog (@withmissgrace)
Source: Instagram

Natawa na lamang siya sa mga mensahe na natatanggap niya at karamihan sa mga ito ay papuri sa kanyang kagandahan.

Nilinaw niya din sa tumatawag pa rin sa kanya na 'Marites' na hindi siya si Marites at character lang daw iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Always watching your blogs Miss Grace
Yes yunh tawa talaga eh. Kaya kahit im not feeling well,nadadala ako sa pag tawa ni Miss Grace
Sa sarap ng halgalpak...napapahalgakpak na rin ako...Nice treat for us! Yes...just go on Ms.Grace...am an avid fan here.

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Matatandaang nagbahagi si Miss Grace ng kanyang mga pictures sa kanyang social media account. Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing ang kanyang Ate Kayla ang kanyang lucky charm

Nag-post din si Ms. Grace ng isang TikTok video kung saan nag-dub siya tungkol sa pagmo-move on. Marami ang naaliw sa kanyang video kung saan sinabi niyang "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo." May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nagmo-move on na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel