Valentine Rosales, binahagi ang kanyang pagppaparetoke ng mata at labi

Valentine Rosales, binahagi ang kanyang pagppaparetoke ng mata at labi

- Binahagi ni Valentine Rosales sa kanyang Facebook page ang picture niya bago siya operahan

- Nabanggit niya ang ginawang procedure sa kanyang mata para umano mas lumaki tingnan at ang hugis ng kanyang labi

- Pinasalamatan nito ang mga doktor at ang clinic kung saan siya nagpaayos para sa kanyang inaasam na transformation

- Sa isa pang post ay inihayag ni Valentine ang tungkol sa aniya'y nakikialam

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napansin ng mga netizens si Valentine Rosales matapos nitong ibahagi ang tungkol sa kanyang pagpaparetoke. Nabanggit niya ang ginawang procedure sa kanyang mata para umano mas lumaki tingnan at ang hugis ng kanyang labi.

Valentine Rosales, usap-usapan sa kanyang komento sa picture ng Star Magic stars
Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Pinasalamatan nito ang mga doktor at ang clinic kung saan siya nagpaayos para sa kanyang inaasam na transformation

Sa isa pang post ay inihayag ni Valentine ang tungkol sa aniya'y nakikialam.

Read also

Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal ko sa buhay habang siya ay nabubuhay

Buhay ko to! Pwede ka mainis, Pero bawal kang Mangialam

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa kanyang Facebook naunang post, sinabi ni Valentine sa kanyang pinatutungkulan na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa libo-libong shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Kasunod ng kanyang pagsasalita kaugnay sa pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan, isang video ang binahagi ni Valentine. Base sa kanyang binahaging video ay kuha ito sa club at kasama niya ang kanyang kaibigan. Nilagay niya sa kanyang video ang mga salitang, "Walang sipaang magaganap for tonight video". Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigan na kanyang pinagtanggol.

Read also

Video ni Alyssa Valdez na nakipag-picture sa batang fan, muling nag-viral

Muling naging usap-usapan si Valentine matapos mapansin ng netizens ang kanyang komento sa isang Facebook post ng Mega Magazine. Ito ay picture na kuha mula sa katatapos lang na photoshoot ng Star Magic stars na kinabibilangan nina Jayda Avanzado, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Sa kanyang komento ay ginaya nito ang mga sinabi ni Andrea sa isang viral video na kuha sa Siargao kamakailan. Sa mismong Facebook page niya ay binahagi niya ang naturang video at sinabi niyang hindi niya umano kaya yung ganoon ka-ipit na boses.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel