Cong, mas piniling makasama si Viy; hindi tumuloy sa Vietnam trip

Cong, mas piniling makasama si Viy; hindi tumuloy sa Vietnam trip

- Sa kanyang bagong YouTube video, hindi maitago ng vlogger na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong ang kanyang excitement para sa kanilang Vietnam trip

- Tumungo sa Vietnam ang kanyang mga kaibigan at kasamahan para sa Southeast Asian Games esports kung saan kinatawan ng grupong Blacklist International ang Pilipinas

- Nang nakapasok na sila sa airport, biglang bumalik si Cong dahil mabigat umano ang pakiramdam niya

- Hindi naman maitago ni Viy Cortez ang kanyang tuwa nang makitang hindi na tumuloy ang kanyang boyfriend sa biyahe nito papuntang Vietnam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng papuri ang vlogger na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong matapos nitong ipagpaliban ang kanyang pagpunta sa Vietnam kahit pa gustong-gusto niya umanong sumama. Aniya, saka na lang siya bibiyahe kapag kasama niya na ang kanyang mag-ina.

Read also

Kaye Abad, nagbahagi ng kanyang picture mula sa kanyang 40th birthday pictorial

Cong, mas piniling makasama si Viy; hindi tumuloy sa Vietnam trip
Lincoln Velasquez (Cong TV) at Viy Cortez (@viycortez)
Source: Instagram

Tumungo sa Vietnam ang kanyang mga kaibigan at kasamahan para sa Southeast Asian Games esports kung saan kinatawan ng grupong Blacklist International ang Pilipinas kung saan naiuwi nila ang gold sa Mobile Legends championship.

Makikita sa binahaging vlog ni Cong ang kanyang paghahanap sa kanyang passport. Hindi ito tumitigil sa paghahanap dahil gustong-gusto niyang sumama. Sinubukan pa nitong gawan ng paraan para magkaroon siya ng passport dahil hindi nila ito makita sa kanilang bahay.

Kinalaunan ay naitanong niya sa kanyang ina kung nakita nito ang kanyang passport. Masaya niyang binahagi kay Viy na ang nanay niya ang nakakita ng passport niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang nakapasok na sila sa airport, biglang bumalik si Cong dahil mabigat umano ang pakiramdam niya. Hindi naman maitago ni Viy Cortez ang kanyang tuwa nang makitang hindi na tumuloy ang kanyang boyfriend sa biyahe nito papuntang Vietnam.

Read also

Rica Peralejo, pinakita ang isang bagong house tour matapos niyang magparenovate

"Di ba sabi ko kanina ito ang storya na nagpapakita na lahat, posible. Akalain mo yun, posible pa lang kalimutan na lahat ng mga masasarap na bagay. Gustong gusto ko sana sumama at maglakbay pero tsaka na lang siguro, pag kasama ko na kayong dalawa"

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Sa panayam kamakailan ni Toni Gonzaga kay Viy, masaya umano siya sa suporta at tiwalang binibigay sa kanya ni Cong pagdating sa kanyang negosyo.

Matapos mag-trending ang video ng panyam sa kanya, kinabiliban lalo ang kanilang relasyon lalo na ang pagiging mabuting partner ni Cong kay Viy. Binahagi ni Viy sa kanyang YouTube video ang reaksiyon ni Cong sa naturang panayam.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel