Bea Alonzo, pinakita ang biniling sariling apartment sa Spain

Bea Alonzo, pinakita ang biniling sariling apartment sa Spain

- Sa kanyang ika-100 video sa kanyang YouTube channel, masayang binahagi ni Bea Alonzo an dahilan kung bakit siya pumunta sa Madrid, Spain kamakailan

- Ito ay para tumingin ng mga apartment dahil pangarap niya umanong magkaroon din ng kanyang sariling bahay sa Europe

- Sa anim na apartment na kanyang tiningnan, nakapili siya ng isa sa mga ito at binahagi niyang isa sa nagustuhan niya ay ang pagkakaroon ng elevator para sa kanyang ina at sa mga bata

- Ani Bea, magbabahagi siya ng isa pang house tour kapag nakabalik na siyang muli sa Spain

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian.

Bea Alonzo, pinakita ang biniling sariling aprtment sa Spain
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

And to celebrate this milestone, I will be sharing with you a dream that I was able to realize just recently. Last month, I went to Madrid to do apartment hunting! It has always been my dream to own an apartment in Europe for my family. And finally, it happened!

Aniya, sa ilang taon niyang pagtatrabaho, napagpasyahan niyang ituloy na lang ang pagbili ng apartment.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

After many years of hard work, and weighing things whether I should buy or not I have decided to just take a leap and do it! On my vlog tonight I will be talking about the reasons behind the decision.

Sa anim na apartment na kanyang tiningnan, nakapili siya ng isa sa mga ito at binahagi niyang isa sa nagustuhan niya ay ang pagkakaroon ng elevator para sa kanyang ina at sa mga bata.

Panuorin ang kabuoan ng video dito:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres.

Nakatanggap naman si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel