Daniel Miranda, binati si Sofia Andres sa pagdiriwang ng Mother's Day

Daniel Miranda, binati si Sofia Andres sa pagdiriwang ng Mother's Day

- Matapos ang ilang araw mula nang lumabas ang haka-hakang may pinagdadaanan ang magkasintahang Daniel Miranda at Sofia Andres, binati ni Daniel ang ina ng kanyang anak

- Sa pagdiriwang ng Mother's Day, hindi kinaligtaan ni Daniel na batiin si Sofia kalakip ng picture ng kanyang mag-ina

- Sa kanyang Instagram post ay nagbahagi naman ng mga pictures nilang mag-ina si Sofia at sinabi nito na kasama niya ang anak sa pagdiriwang ng Mother's Day

- Matatandaang lumabas ang bali-balita nang mapansin ng mga netizens na hindi na sila naka-follow sa Instagram ng isa't-isa

- Sa kasalukuyan ay naka-follow na uli sila sa IG at naibabahagi na rin nilang muli ang pictures ng isa't-isa sa IG stories nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagdiriwang ng araw ng mga Ina, isang pagbati ang binahagi ni Daniel Miranda para sa ina ng kanyang anak. Ito ay sa kabila ng mga bulong-bulungan na may pinagdadaanan sila matapos mapansin ng ilang netizens ang pag-unfollow nila sa isa't-isa sa Instagram.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Daniel Miranda, binati si Sofia Andres sa pagdiriwang ng Mother's Day
Daniel Miranda at Sofia Andres (@iamsofiaandres)
Source: Instagram

Gayunpaman, matapos ang paglabas ng espikulasyon, muling naka-follow na sa IG ang dalawa. Sa kanyang binahaging pagbati, binahagi ni Daniel ang picture ng kanyang mag-ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram post naman ay nagbahagi naman ng mga pictures nilang mag-ina si Sofia at sinabi nito na kasama niya ang anak sa pagdiriwang ng Mother's Day.

Celebrating Mother’s Day with my little sweetheart.

Marami naman sa mga netizens na nakasubaybay sa kanila ang tila nabunutan ng tinik dahil napagtanto nilang walang katotohanan ang lumabas na balita. Naibabahagi na rin nilang muli ang pictures ng isa't-isa sa IG stories nila.

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Read also

Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash

Matatandaang dinala nina Sofia at Daniel Miranda ang kanilang anak na si Zoe sa great grandparent nito sa Spain.

Inalmahan din ni Spfia ang mga body shamers at sa isang post ay hinamon niya ang mga ito na i-zoom ang kanyang picture kung saan kita ang kanyang kili-kili.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel