John Prats At Isabel Oli, pinakita ang kanilang pinapagawang bahay

John Prats At Isabel Oli, pinakita ang kanilang pinapagawang bahay

- Ibinahagi ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli ang kanilang pasilip sa tinatayong bagong bahay nila

- Ang kanilang dream family home ay nangangalahati na mula nang isapubliko nila noong 2019 ang tungkol sa pagpapagawa nila ng bagong bahay

- Bukod sa lawak at laki ng kanilang bahay, mayroon ding swimming pool at makikita ang view ng mga halaman sa kanilang bagong bahay

- Matatandaang halos pitong taon nang mag-asawa ang dalawa at magdidiwang ng kanilang 7th anniversary ngayong May 16

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang binahagi ng mag-asawang John Prats at isabel Oli ang nangangalahati nang pagpapagawa nila ng kanilang dream family home. Bukod sa lawak at laki ng kanilang bahay, mayroon ding swimming pool at makikita ang view ng mga halaman sa kanilang bagong bahay.

John Prats At sabel Oli, pinakita ang kanilang pinapagawang bahay
John Prats (@johnprats)
Source: Instagram

Ilang buwan pa lamang nang umpisahan ang construction ng kanilang bahay. Sa kanilang mga Instagram post ay pinasilip ng mag-asawa ang progress sa kanilang pinapagawang bahay. Matatandaang August 2021 nang mag upload sila ng pictures kung saan inuumpisahan na ang paggawa sa bahay.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

"Building new adventures and memories soon!!!" ani Isabel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kanilang dalawang palapag na bahay ay mayroong malalaking bintana na bagay na bagay sa magandang tanawin sa paligid ng kanilang bahay na napapalibutan ng mga punongkahoy at halaman. Makikita din ang city lights mula sa kanilang bahay.

Ang kanilang dream family home ay nangangalahati na mula nang isapubliko nila noong 2019 ang tungkol sa pagpapagawa nila ng bagong bahay na kanilang inanunsiyo sa pamamagitan ng YouTube channel nila.

Matatandaang halos pitong taon nang mag-asawa ang dalawa at magdidiwang ng kanilang 7th anniversary ngayong May 16.

Si John Paulo Quiambao Prats ay isang aktor, komedyante, dancer, TV host, director, model at isang negosyante. Pinasok niya ang mundo ng showbiz noong taong 1992. Siya ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Camille Prats.

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

Matapos ang pinag-usapang flash mob na proposal ni John kay Isabel Oli noong September 24, 2014 sa Eastwood City, ikinasal sila noong May 16, 2015 sa Batangas.

Noong nakaraang taon ay nagdiwang ng kanilang ika-6 na anniversary bilang mag-asawa. Sa kabila ng kanyang magandang career bilang isang performer at aktor, marami din ang humanga sa husay ni John bilang isang direktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel