Vina Morales, sumama sa pangangampanya para kay Robin Padilla

Vina Morales, sumama sa pangangampanya para kay Robin Padilla

- Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Vina Morales ang video ng kanyang pagsama sa pangangampanya sa kanyang ex boyfriend na si Robin Padilla

- Pabiro pa nitong sinabi kay Mariel Padilla na pahiram muna sa asawa nito para lang sa araw na iyon

- Marami naman sa tagahanga ng kanilang tambalan ang kinilig sa muling pagsasama ng dalawa sa entablado

- Nauna nang ipinagpasalamat ni Mariel ang pagpakita ni Vina ng kanyang suporta kay Robin na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pabirong sinabi ni ina Morales kay Mariel Padilla na hiramin muna niya ang mister nitong si Robin Padilla. Ito ay nang sumama si Vina sa pangangampanya para sa dati nitong kasintahan.

Vina Morales, sumama sa pangangampanya para kay Robin Padilla
Robin Padilla led the protest in Liwasang Bonifacio in Manila with the costume of Andress Bonifacio. 2014/11/30 (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

Marami naman sa tagahanga ng kanilang tambalan ang kinilig sa muling pagsasama ng dalawa sa entablado, Makikita sa video ang pagiging malapit ng dalawa.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Lalong lumakas ang hiyawan nang punasan ni Robin ang pawis ni Vina at kinalaunan ay may pahalik pa ito sa noo.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Vina na base sa kanyang pagkakakilala kay Robin mabuti ang layunin ng kanyang puso kaya ito umano ang numero uno niya sa kanyang listahan sa senado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ako po si Vina Morales. Tinatanong Pa ba yan kung sino po ang numero uno sa aking listahan sa Senado. Kundi ang Utol ko na si @robinhoodpadilla. Hindi po dahil sa naka trabaho ko s’ya sa industriya kundi dahil sa kabutihan at layunin ng kanyang Puso sa bawat kapwa. Nuon pa man at ngayon , maski Wala pa s’ya sa posisyon marami na po syang natulungan, isa po akong Saksi . Wala pong pinipili yan, Basta kaya nya , Ibibigay nya at kung Wala talaga , gagawa po yan ng paraan.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Nauna nang ipinagpasalamat ni Mariel ang pagpakita ni Vina ng kanyang suporta kay Robin na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador.

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”.

Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Matatandaang inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel