Gladys Reyes, nanindigan sa kanilang pananampalataya kasama ang kanyang pamilya

Gladys Reyes, nanindigan sa kanilang pananampalataya kasama ang kanyang pamilya

- Sa isang post ay ibinahagi ni Gladys Reyes ang pakikiisa niya at ng kanyang pamilya sa pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo

- Kasunod ito ng pagpahayag ng suporta ng Iglesia Ni Cristo sa presidential aspirant na si Bongbong Marcos at sa bise nitong si Sara Duterte

- Nilinaw din ni Gladys na walang ibang kahulugan ang pagsuot niya ng pink na damit kamakailan at sana umano sy huwag lagyan ng kahulugan iyon

- Hiniling niya rin na sana ay manaig pa rin ang respeto at pang-unawa sa isa't isa, magkaiba man ang pananaw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Gladys Reyes, patuloy silang maninindigan kasama ang kanyang pamilya sa kanilang pananampalataya kahit pa dumating ang pang-uusig. Nilinaw din ni Gladys na walang ibang kahulugan ang pagsuot niya ng pink na damit kamakailan at sana umano sy huwag lagyan ng kahulugan iyon.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Gladys Reyes, nanindigan sa kanilang pananampalataya kasama ang kanyang pamilya
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Gladys na patuloy na makikiisa ang kanilang pamilya sa pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Kaugnay ito sa ipinatutupad na kaisahan. Kasunod ito ng pagpahayag ng suporta ng Iglesia Ni Cristo sa presidential aspirant na si Bongbong Marcos at sa bise nitong si Sara Duterte.

Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan, dahil ito po ay nakasulat sa banal na kasulatan, sa 1 Corinto 1:10 na wag magkabaha-bahagi at magkaroon ng isa lamang paghatol (o pagboto)

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiniling niya rin na sana ay manaig pa rin ang respeto at pang-unawa sa isa't isa, magkaiba man ang pananaw .

Higit sa lahat, sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa't isa, magkaiba man po ng pananaw ang iba.

Read also

VP Leni, nanawagan sa pagtanggap sa resulta ng Halalan; lalabanan pa rin ang kasinungalingan

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher matapos mabatikos kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate