Chad Kinis, pinaalala sa netizens ang umano'y "kabalbalan" ni Skusta Clee

Chad Kinis, pinaalala sa netizens ang umano'y "kabalbalan" ni Skusta Clee

- Sa kanyang TikTok video, hindi maitago ni Chad Kinis ang kanyang inis kay Skusta Clee

- Aniya, dahil tapos na ang eleksiyon ay balikan na ang tungkol sa ginawa ni Skusta Clee

- Si Skusta Clee ang dating boyfriend at ama ng anak ng kanyang malapit na kaibigang si Zeinab harake

- Matatandaang nitong nakaraang birthday celebration ng anak nina Zeinab at Skusta Clee, si Chad ang tumayong kapareha ni Zeinab sa kanilang hinandang production number

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa mahigit 2.5 million views ang TikTok video ni Chad Kinis kung saan hindi niya maitago ang kanyang inis kay Skusta Clee. Aniya, dahil tapos na ang eleksiyon ay balikan na tungkol sa ginawa ni Skusta Clee na talaga namang naging mainit na usapin bago ang halalan.

Chad Kinis, pinaalala sa netizens ang umano'y "kabalbalan" ni Skusta Clee
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Instagram

Sa huling bahagi ng video ay napamura pa ito. Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa mga pahayag ni Chad.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Malapit na kaibigan ni Zeinab Harake si Chad. Sa katunayan ay ito ang tumayong kapareha ni Zeinab sa kanilang hinandang production number para sa fairytale themed party ng anak nina Skusta at Zeinab na si Zebiana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

hahahaha sge momshie Chad paglaban mo anakshie zeinab
Maraming issue ang naset aside dahil sa election sige ungkatin nyo chismis era na ulet
Walang magmomove on. Hahaha! Go mhie. Hindi ka po namin nalilimotan tinapos lang namin ang halalan

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel