Bea Alonzo, pinakita ang sariling chapel ng kanilang farm

Bea Alonzo, pinakita ang sariling chapel ng kanilang farm

- Sa kanyang bagong video sa YouTube channel niya, isang virtual tour ang binahagi ni Bea Alonzo

- Pinakita niya ang kanilang munting chapel sa farm nila sa Zambales na pinagalanan nilang Beati Firma

- Naipakita na rin nila ito sa vlog ni Bea noong December kung saan nagdaos sila ng misa sa naturang chapel

- Ayon sa ina ni Bea, bukod sa ito ang pagdadausan nila ng binyag ng kanyang apo, ipapakasal niya umano uli ang kapatid ni Bea at ang asawa nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang virtual tour ang binahagi ni Bea Alonzo sa kanyang bagong vlog episode. Pinakita niya ang kanilang munting chapel na matatagpuan sa farm nila sa Zambales na pinagalanan nilang Beati Firma.

Bea Alonzo, pinakita ang sariling chapel ng kanilang farm
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ayon sa ina ni Bea dito niya papabinyagan ang kanyang apo. Balak din umano niyang ipakasal uli ang kapatid ni Bea na si James at ang misis nitong anak ni Bayani Agbayani na si Thalia Rogacion.

Read also

Krista Ranillo, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang lola na si Gloria Sevilla

Marami ang humanga sa patuloy na paglago ng farm ni Bea na una niyang ibinahagi sa publiko sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Napakaganda ng Chapel, that is why you are so blessed. and your mama is really a good soul. she made sure na your whole family is intact with the Lord. happy Easter! alleluia!!! I know you will carry on to your future family what your mama taught you, you are right spiritual is so important.
Such a beautiful chapel! Blessed Easter to you , your family and all your love ones Ms.B! God bless always! Very humble mother and daughter so inspirational
Your chapel is so beautiful and serene. Surrounded by nature I could stay there all day. I wish to see you get married on your farm and in the chapel. I could imagine how beautiful it is going to be. Thank you for sharing it's a breath of fresh air amidst the chaos in the world today.

Read also

Bongbong Marcos, naikwentong sa ama humihingi ng payo lalo na noong siya'y teenager

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel