Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

- Ibinahagi ni Aiko Melendez ang viral na video ng isang customer na nagalit sa isang grab driver

- Nagalit ito dahil walang panukli ang driver matapos maihatid ang kanyang order

- Isang babae ang makikita sa video na umaawat sa customer ngunit hindi ito nagpapapigil

- Maging si Vina Morales ay hindi napigilang magkomento at sinabing naiinis din siya sa lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si AIko Melendez ay nainis sa isang customer na nagalit sa Grab driver dahil lamang wala itong panukli. Nanatiling mahinahon ang driver sa kabila ng pagtaas ng boses ng customer. Isang babae naman ang umaawat sa kanya ngunit tuloy-tuloy pa rin ito.

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli
Aiko Melendez (aikomelendez)
Source: Instagram

Marami ang naawa sa Grab driver at hindi maitago ni Aiko ang kanyang pagkainis. Aniya, abuso na ang ginawa ng customer sa driver. Inudyukan niya rin ang mga netizens na ireport ang driver.

Read also

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Grabe naman tng Lalaki na to…. Kawawa naman si kuya Grab driver…. Ireport naten to di tama mang abuso sya ng ganyan… Bat kailangan manakit?!

Maging si Vina Morales ay hindi napigilang magkomento at sinabing naiinis din siya sa lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Was about to post sa ig stories sis , yabang nga hayyyy

Marami naman ang kumundena sa ginawa ng customer na ito.

Grabe naman, sa bahay na nga lang yung lalaki, mas mainit pa ulo sa nagtatrabaho, nabibilad sa araw at nababasa ng ulan. Pati asawang babae na umaawat, nasasaktan na.
Yabang ah..kaunti lang kinikita ng grab rider yet buwis buhay pa sa pag dri drive ..they are our Hero in this time of pandemic..
Nawalan ako ng gana kumain dahil sa napanuod ko, bakit ganito na ang nangyayari sa mundo? May covid na nga nagiging masama pa ang mga tao?

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Ang pagiging delivery rider ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang delivery service ay Grab Express, Lalamove, Mr. Speedy, Fastrack at marami pang iba.

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz. Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel