Miss Glamour 2021 sa Mexico, 'di na tuloy; Pambato ng Pilipinas nais nang makauwi

Miss Glamour 2021 sa Mexico, 'di na tuloy; Pambato ng Pilipinas nais nang makauwi

- Ikinabahala ng ilang tagasubaybay ng mga international beauty pageants ang balitang hindi na umano tuloy ang Miss Glamour International sa Mexico

- Sa Instagram Story ng pambato ng Pilipinas na si Gianna Llanes, kinumpirma nitong hindi na matutuloy ang coronation night

- Siniguro naman niyang ligtas siya subalit hindi pa siya naglabas ng opisyal na pahayag kung ano na nga ba talaga ang nangyari

- Wala pa raw silang tulog gayung nais na lamang muna nilang makaalis sa Mexico at napagkasunduan nilang mga kandidata na saka na lamang magsasalita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naalarma ang mga tagasubaybay ng International pageants nang mapag-alamang hindi na tuloy ang Miss Glamour International 2021 sa Mexico.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ito mismo ng kandidata ng Pilipinas na si Gianna Margarita Llanes sa kanyang Istagram Stories ngayong Nobyembre 7.

Read also

Heart Evangelista, hindi nagpaapekto sa negatibong komento ng basher

Miss Glamour 2021 sa Mexico, 'di na tuloy; Pambato ng Pilipinas nais nang makauwi
Miss Glamour Philippines 2021 Gianna Llanes (Gianna Margarita Llanes)
Source: Facebook
"Please do not worry, I am okay. Sorry to everyone who are waiting for the pageant. Something happened and it is not pushing through tonight. I will make an official statement when everything is finalized after a few hours. I love you all"

Kaya naman nakatutok na ang mga nagmamalasakit kay Gianna maging ang mga fans ng pagenatry sa mga updates na ibabagsak nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pinakahuling update na naibigay ng ating kandidata ay ang kagustuhan na lamang niyang makabalik sa bansa bago ihayag ang mga hindi kanais-nais na kaganapan sa naturang pageant.

Maraming salamat po sa lahat ng mga sumusuporta na Filipino pageant fans asking for updates.It’s 4am in Mexico and I have yet to get some sleep.
I want to provide you with updates, but as I’ve mentioned, the girls and I want to provide our official statements at the same time.

Read also

Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, nagdiwang ng kanilang 6th wedding anniversary

Sinusubukan ko na rin pong umalis dito sa madaling panahon. Pagkalabas ko ng bansa, doon na po ako makakasalita.

Ang Miss Glamour International ngayong taon ay unang edition pa lamang sana ng naturang pageant.

Sa umpisa'y maayos naman umano ang itinatakbo ng pre-pageant activities tulad ng pagkumpirma ng ating pambato na si Gianna LLanes. Nilarawan pa nga niya itong "absolutely amazing."

Kaya naman marami ang nagtaka sa biglaang pagkakahinto nito sa hindi pa malamang kadahilanan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica