Nikko Natividad, ibinahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang stag party

Nikko Natividad, ibinahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang stag party

- Dumalo ang mga dating kasamahan ni Nikko Natividad sa grupong Hashtags sa kanyang stag party na aniya ay mga kaibigan niya rin ang nagplano

- Kinaaliwan si Zeus Collins na nakabihis babae pa at todo emote sa mga pictures na naibahagi online

- Hirit ni Nikko, ito umano ang kinalabasan kapag tinipid ng mga kaibigan ang inihandang stag party

- Si Nikko ay nakatakdang ikasal sa kanyang long-time partner na si Cielou Eusebio

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nagkasama ang grupong Hashtags, ang All-male group na nakilala sa It's Showtime. Muli silang nagtipon para sa stag party ng kanilang kasamang si Nikko Natividad na nakatakdang ikasal sa kanyang long-time partner na si Cielou Eusebio.

Nikko Natividad, ibinahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang stag party
Cielo Usebio and Nikko Natividad (@hashtag_nikko)
Source: Instagram

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing party ay sina Jimboy Martin, Vitto Marquez, Tom Doromal, Wilbert Ross, Kid Yambao at iba pa nilang mga kasamahan. Agaw-pansin naman si Zeus Collins na nakabihis babae pa at todo-emote sa mga pictures na naibahagi online.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Hirit ni Nikko, ito umano ang kinalabasan kapag tinipid ng mga kaibigan ang inihandang stag party.

Ito ang resulta kapag tinipid ka ng mga kaibigan mo sa STAG PARTY

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagbati sa mga ikakasal, bumuhos din ang komento patungkol kay Zeus:

Si Zeus pala yun! Andami kong tawa sa mga pictures niyo! Nakaka-miss din ang kalokohan ng mga hashtags. Grabeee ka Zeus!!! Bumigay kna talga
Hahaha ganito si Dora the explorer pag gumimik at nag party sa labas!
Hindi lng pla dancer si zeus comediante ri n pla like my idol kuya vhong grabe mag pa tawa

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Kamakailan ay naging usap-usapan ang mensahe ni Nikko kay Cielo Eusebio, ang ina ng kanyang anak. Mariin din niyang pinabulaanan na sa kanya ang Tinder account na nag-viral.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel