Gigi de Lana, nais tuparin ang lahat ng pangarap ng kanyang ina para sa kanya

Gigi de Lana, nais tuparin ang lahat ng pangarap ng kanyang ina para sa kanya

- Ibinahagi ni Gigi de Lana na sa kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan, bahagi iyon ng pinangarap ng kanyang ina para sa kanya

- Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard

- Kaya naman, nang masabi niya umano sa ina na nasa isang commercial shoot siya ay binati siya nito

- Naibahagi din ng mang-aawit ang pakikipaglaban ng kanyang mahal na ina sa sakit na cancer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maipagkakailang isa si Gigi de Lana sa pinakasikat at hinahangaang mang-aawit sa kanyang henerasyon. Sa katunayan, palaging nag-te-trending ang kanyang mga covers ng mga kanta at maging ang mga banyagang YouTube reactors ay manghang-mangha sa kanyang husay sa pagkanta.

Gigi de Lana, nais tuparin ang pangarap ng ina para sa kanya
Gigi de Lana (@gigidelanaofficial)
Source: Instagram

Naibahagi ni Gigi ang tungkol sa pakikipaglaban ng kanyang ina sa sakit na cancer at kung gaano niya ka gustong matupad ang lahat ng pangarap ng kanyang ina para sa kanya.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

“Kasi actually, gusto kong gawan ng way na magkatotoo ‘yung dreams niya rin for me. Kasi alam niyo naman ang moms, ang parents, meron silang vision. Meron silang gusto mong marating na alam nila kayang kaya mong gawin.

Kabilang umano sa pangarap ng ina para sa kanya ay maging artista siya at magkaroon ng sariling billboard.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Pero ngayong nangyayari na siya, ‘yung pangarap ng mommy ko, I’m so happy for her din na ang saya niya for me. So ayun, I’m very, very thankful na ganito ‘yung nangyayari.”

Si Gigi De Lana na unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana ay isang mang-aawit, commercial model, at aktres. Sumikat siya nang sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Naging defending champion siya at kinalaunana ay naging semi-finalist.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Kadalasang napapanood ang live gig stream ng kanilang banda na kilala sa pangalang Gigi Vibes.

Matatandaang isa sa pinakapinag-usapang contestant sa Tawag ng Tanghalan ay ang lalaking naki-yes to ABS-CBN shutdown. Humingi ito ng dispensa sa mga hosts at sa lahat ng taong kanyang nasaktan dahil sa kanyang mga nasabi noon.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel