Ethel Booba, ibinahagi ang reaksiyon ng mga kaibigan sa kanyang lumang video nya

Ethel Booba, ibinahagi ang reaksiyon ng mga kaibigan sa kanyang lumang video nya

- Para kay Allan K, namangha siya habang binabalikan ang lumang video ni Ethel Booba bilang isang kalahok sa 'Sing Galing'

- Napansin ni Allan na kahit noong araw ay maganda na talaga ang katawan ni Ethel at may abs pa umano ito

- Pabiro namang sinabi ni Donita Nose na napakapangit umano ni Ethel noong araw at binaggit pa nito na hugis half moon umano ang kaibigan

- Gayunpaman, hindi mapipagkakailang magaling talaga umano kumanta si Ethel kahit noon pa at lagi itong nagkakampiyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Ethel Booba ang reaksiyon ng dalawang kasamahan niya na malapit sa kanya kaugnay sa lumang video niya bilang isa sa mga kalahok ng Sing Galing kung saan isa na siya sa mga hurado sa kasalukuyan.

Ethel Booba, ibinahagi ang reaksiyon ng mga kaibigan sa kanyang lumang video nya
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Bilang nakasaksi noon sa performance ni Ethel, nabanggit ni Allan K na kahit noong araw paman ay maganda na talaga ang katawan ni Ethel. Sina Allan at Aiai Delas Alas noon ang mga host.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Sa katunayan umano, sinira pa ni Joey de Leon ang disenyo ng stage para lang makita si Ethel. Si Ethel umano ang may pinakamahabang record ng pagiging champion sa nasabing patimpalak.

Pabiro namang sinabi ni Donita Nose na napakapangit umano ni Ethel noong araw at binaggit pa nito na hugis half moon umano ang kaibigan. Gayunpaman, hindi mapipagkakailang magaling talaga umano kumanta si Ethel kahit noon pa at lagi itong nagkakampiyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

Wala naman po pinagbago Ms.Ethel ganun na ganun parin po maganda.
Most awaited content ko ‘to. Di ko malilimutan nung bata pa ko nakaabang kami lagi ng parents ko pag may sing galing.
Maganda ka parin nmn noon at hanggang ngaun idol

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel