Guró, pumanaw umano dahil sa stress: Principal, pinatawag ng DepEd Davao de Oro

Guró, pumanaw umano dahil sa stress: Principal, pinatawag ng DepEd Davao de Oro

- Pinatawag ng DepEd Davao de Oro ang principal na umano'y naging sanhi ng stress ng pumanaw na guró na si Marjorie Boldo

- Nagsimula ang insidente nang maaksidente ang isang estudyante sa loob ng klase ni Teacher Marjorie

- Isinumbong ng magulang ng bata ang guró sa principal na nagresulta sa umano'y insulto at masakit na pangaral

- Dinibdib ng guró ang pangyayari na nagdulot ng matinding stress at kalaunan ay kanyang pagpanaw

Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) Davao de Oro kaugnay sa viral na balita tungkol sa pagpanaw ng isang guró na si Marjorie Boldo. Ayon sa mga ulat, dinibdib umano ng guró ang mga insultong natanggap mula sa kanilang principal na nagdulot ng matinding stress, dahilan upang isugod siya sa ospital at kalauna’y pumanaw.

Guró, pumanaw umano dahil sa stress: Principal, pinatawag ng DepEd Davao de Oro (Pilipinas Today BisMin | Facebook)
Guró, pumanaw umano dahil sa stress: Principal, pinatawag ng DepEd Davao de Oro (Pilipinas Today BisMin | Facebook)
Source: Facebook

Pinatawag na ng DepEd ang naturang principal upang makausap kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa ng kagawaran. Layon ng imbestigasyon na alamin ang mga pangyayari at usisain ang mga alegasyon laban sa principal ng paaralan sa Pantukan, Davao de Oro.

Read also

Teacher na nag-viral matapos magkamali ng sagot sa "Throwbox," nagsalita na

Ayon sa mga kamag-anak ni Teacher Marjorie, nagsimula ang lahat nang maaksidente ang isang estudyante sa kanyang klase. Nabagok ang ulo ng bata sa bangko matapos itong maging malikot, kahit pa paulit-ulit na itong pinagsabihan ng guró. Agad na isinumbong ng magulang ng bata si Teacher Marjorie sa principal, na nagresulta sa umano’y masakit na pangaral at insulto mula sa lalaking principal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang group chat ng mga guró sa grade 2, ibinahagi ni Teacher Marjorie ang kanyang sama ng loob. Aniya, nasaktan siya sa mga natanggap na insulto, lalo’t natanong pa ang kanyang kakayahan matapos ang 31 taon ng pagtuturo. Matapos ang insidente, nadala sa ospital si Ma’am Marjorie at kalaunan ay pumanaw dahil umano sa sobrang stress na dinanas niya.

Patuloy ang imbestigasyon ng DepEd upang mabigyang-linaw ang mga pangyayari at matugunan ang mga kinakaharap na isyu.

Read also

Ama, labis nabigla nang mapagtantong anak niya ang sangkot sa nadaanang aksidente

Samantala, sa ibang balita, matatandaang labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman. Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit.

Muling hinangaan ang gurong si Jeric Maribao nang muli siyang mamahagi ng biyaya. Hindi lamang mga estudyante ang kanyang sinurpresa kundi maging maga magulang nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate