Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo

Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo

- Nagpaalam si Princess Pacquiao sa kapatid na si Queenie bago umalis patungong London para mag-aral ng kolehiyo

- Maging si Queenie at Mommy Jinkee ay hindi napigilang maiyak dahil sa unang pagkakataon na magkakalayo ang magkapatid

- Buong pamilya Pacquiao ay nagpakita ng suporta sa bagong yugto ng buhay ni Princess

- Hinatid din ng mag-asawa ang mga anak sa UK at pinakita ang magiging paaralan ni Princess

Nag-uumapaw ang emosyon na magkapatid na Princess at Queenie Pacquiao matapos ang naganap na pamamaalam ni Princess patungo sa United Kingdom upang mag-aral ng kolehiyo. Ayon kay Jinkee Pacquiao, ito ang unang beses na magkakalayo ang magkapatid mula nang sila'y lumaki.

Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo
Queenie at Princess Pacquiao, nag-iyakan dahil magkakalayo na; Princess, sa UK mag-aaral ng kolehiyo
Source: Instagram

Si Princess ay nakatakdang mag-aral sa London, kung saan inihahanda niya ang sarili para sa bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi maiwasan ang pag-iyak ni Queenie habang nagpaalam sa kapatid, at maging ang kanilang inang si Mommy Jinkee ay di napigilang maluha.

Read also

Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas

Hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha. 😢😭 Nagsakit akong dughan pero mao man gyud gusto nila lahi na lugar sila eskwela. Gasulat ko sa caption na gahilak!

Sa kanyang post sa social media, nagbahagi si Mommy Jinkee ng kanyang damdamin:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"A daughter is the sunshine of her mother's life. Princess, I’m proud of you. I’m so excited for everything you are about to accomplish. We love you soooo much! Believe in yourself and all that you are. Know that there is something inside you that is greater than any obstacle.

Bagamat puno ng luha, ramdam ang pagmamahal at suporta ng pamilya Pacquiao sa bawat isa, lalo na't humaharap sila sa bagong hamon ng pagkakalayo.

Si dating Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay. Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Read also

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Kamakailan ay pinasalamatan ni Annabelle Rama sina Sen. Pacquiao at ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. Ito ay para sa kanyang natanggap na umano ay pangkabuhayan birthday gift mula sa mag-asawa. Naiintindihan niya umano na hindi nakadalo ang mag-asawa dahil abala si Sen. Pacquiao sa exhibition fight na gaganapin sa Dec. 11, 2022. Aniya, dalangin niyang tuloy-tuloy ang swerteng dumating sa mag-asawa na aniya ay talaga namang generous.

Kamakailan ay inamin umano ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000. Aniya, sinadya niyang tagalan ang pagbibilang hanggang sampu matapos ma-knock down si Pacquiao. Sinabi niya rin na mula sa suntok ang umano'y headbutt ni Pacquiao kay Hussein. Pinalabas niya rin umano na malala ang sugat ni Hussein kaya natigil ang match at nanalo si Pacquiao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate