Miss Grace, nagpasalamat sa mga suportang natanggap niya

Miss Grace, nagpasalamat sa mga suportang natanggap niya

- Nagpasalamat si Miss Grace sa suportang kanyang natanggap matapos ang kanyang nilabas na reaction video kamakailan

- Sa kanyang Facebook post ay inihayag ni Miss Grace ang kanyang kasiyahan sa suporta ng mga netizens

- Sa kasalukuyan ay umabot na sa 500K ang kanyang Facebook followers at 135K naman sa kanyang YouTube channel

- Matatandaang naging usap-usapan ang pagsagot niya kamakailan sa mga naging pahayag ni PK sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Miss Grace ang mga tao na sumuporta sa kanya. Binahagi niyang umabot na sa 500K ang kanyang Facebook followers at 135K naman sa kanyang YouTube channel.

Miss Grace, nagpasalamat sa mga suportang natanggap niya
Miss Grace, nagpasalamat sa mga suportang natanggap niya
Source: Facebook

Matapos nga niyang ilabas ang reaction video niya kamakailan upang ihayag ang kanyang panig, marami ang sumuporta sa kanya.

Happy 500k on Facebook and 135k on YouTube!❤️ Thank you for the heartwarming support. Cannot thank you enough guys! Thank you for being part of my journey.❤️ Masasaktan pero hindi susuko! Madadapa pero babangon!

Read also

Miss Grace kay PK: "Prove to your followers you have moved on by taking down my videos"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate