Dominic Roque, ibinida ang kagandahan ni Bea Alonzo sa kaarawan nito

Dominic Roque, ibinida ang kagandahan ni Bea Alonzo sa kaarawan nito

- Naghanda si Dominic Roque ng tatlong video na kanyang binahagi sa Instagram bilang pagbati sa pinakamamahal na girlfriend na si Bea Alonzo

- Sa kanyang ikalawang video na binahagi ay makikita ang ilang videos nilang magkasama na hindi pa nila naibabahagi sa publiko

- Marami naman sa kanilang supporters ang kinilig sa pagiging sweet ng aktor kay Bea na nagdiriwang ng kanyang kaarawan

- Marami din ang nakapansin na tila lalong nagiging blooming si Bea lalo at lagi umano itong mukhang masaya kasama si Dominic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayaw paawat ni Dominic Roque sa pagpost ng nakakakilig na video clips nila ni Bea Alonzo na hindi pa nila naibabahagi sa social media. Sa kanyang three-part post bilang paggunita sa kaarawan ng girlfriend, marami ang nakapansin na tila lalong nagiging blooming si Bea lalo at lagi umano itong mukhang masaya kasama si Dominic.

Read also

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

Dominic Roque, ibinida ang kagandahan ni Bea Alonzo sa kaarawan nito
Dominic Roque, ibinida ang kagandahan ni Bea Alonzo sa kaarawan nito (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ikalawang video pa lamang ang nailalabas ni Dominic ngunit kinilig nang sobra ang kanilang mga fans. Marami sa kanila ang na-excite na makita ang pangatlong ipopost ni Dominic.

Dom, hanggang bukas pa, himatayin na ko sa kilig
This side of bea na di namin madalas makita she's such a baby!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ilabas mo na ang part 3!!!! Hindi na kami makahinga sa kilig hahahaha

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel