Bea Alonzo, itinigil na ang paghahanap sa kanyang biological father

Bea Alonzo, itinigil na ang paghahanap sa kanyang biological father

- Naibahagi ni Bea Alonzo na hindi na niya hinahanap ang kanyang tunay na ama nang makapanayam siya kamakailan ni Boy Abunda

- Aminado siyang parang gusto niya ring mahanap ang kanyang tunay na ama kagaya sa nangyari kay Angelica Panganiban noong 2010

- Kaya naman, sinubukan niyang lasingin umano ang kanyang nanay para makakuha siya ng impormasyon dito

- Gayunpaman, nakita niya umano kung gaano nasaktan ang kanyang mama kaya napagpasyahan niyang huwag nang ituloy ang paghahanap niya sa ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Bea Alonzo, parang gusto niya ring mahanap ang kanyang tunay na ama kagaya sa nangyari kay Angelica Panganiban noong 2010. Kaya naman, sinubukan niyang lasingin umano ang kanyang nanay para makakuha siya ng impormasyon dito.

Bea Alonzo, itinigil na ang paghahanap sa kanyang biological father
Bea Alonzo, itinigil na ang paghahanap sa kanyang biological father (@beaalonzo)
Source: Instagram

Gayunpaman, nakita niya umano kung gaano nasaktan ang kanyang mama kaya napagpasyahan niyang huwag nang ituloy ang paghahanap niya sa ama. Umiyak umano ang kanyang ina at nakaramdam siya ng guilt. Napagtanto niyang higit pa ang pagmamahal na binigay ng mama niya sa kanilang magkapatid kaya ayos na sa kanya na hindi mahanap ang kanyang ama

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel