Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair

Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair

- Binahagi ni Ion Perez ang video ng kanyang pagsorpresa kay Vice Ganda ng isang bagong massage chair

- Aniya, massage chair talaga ang naiisip niyang regalo para kay Vice Ganda para sa anniversary nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kaya naman, masaya siya nang bigyan siya ng bagong massage chair ng dating nagtatrabaho daw sa ABS-CBN

- Nagkataon naman na pagod na pagod si Vice Ganda nang dumating ito sa bahay nila kaya na-enjoy nito ang massage chair

Excited si Ion Perez na makita ang reaksiyon ni Vice Ganda sa bagong massage chair na aniya ay pinaplano niyang regalo para sa anniversary nila ni Vice. Nagkataon naman na pagod na pagod si Vice Ganda nang dumating ito sa bahay nila kaya na-enjoy nito ang massage chair.

Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair
Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair (@pereziion27)
Source: Instagram

Ayon kay Ion, maghahanap na din sana siya ng mabibiling massage chair. Nagkataon umano na naroroon ang dating nagtatrabaho sa ABS-CBN at binigyan sila ng bagong massage chair.

Read also

Cedric Lee sa pagkakakulong ni Vhong Navarro: “He can't hide anymore"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tamang-tama din umano ito dahil matagal na silang hindi nakakapagpamasahe sa bahay nila dahil nag-iingat umano sila sa monkey pox.

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Ipinakita ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Read also

Vhong Navarro, nagpasalamat sa kanyang mga fans na nagpakita ng suporta

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel