Rosmar Tan nagsalita sa isyu ng trespassing at permit sa Calauan Laguna
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
- Rosmar Tan mariing itinanggi ang alegasyon na pinaghintay nila ng tatlong oras ang municipal officials, iginiit niyang wala silang ginawang paglabag at may sapat siyang dahilan para maghain ng kaso ngunit pinili niyang huwag ituloy
- Ayon kay Rosmar, bigla umanong pumasok sa kanilang bahay ang ilang personnel mula sa munisipyo na walang dalang notice o anumang dokumento, dahilan para maramdaman nilang tila sila ay ni-raid at hinaras sa sariling tahanan
- Nilinaw niya na ang pickleball image na kumalat online ay isang AI-edited concept lamang na ginawa niya bilang ideya, at hindi aktwal na pasilidad, kaya’t ikinagulat niya kung bakit agad itong naging basehan ng inspeksyon
- Rosmar iginiit na lahat ng kanilang negosyo ay legal, may kumpletong permits, at nagbabayad ng tamang buwis, binanggit pa niya ang malaking kontribusyon ng kanilang kumpanya sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng investments at pagbibigay ng trabaho
Matapos ang ilang araw ng pananahimik, tuluyan nang nagsalita si Rosmar Tan tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng kanilang negosyo sa Calauan, Laguna. Mariin niyang itinanggi ang alegasyon na pinaghintay nila ng tatlong oras ang municipal officials, at iginiit na hindi sila kailanman nagkulang sa pagsunod sa tamang proseso.

Source: Facebook
Ayon kay Rosmar, nagsimula ang isyu nang bigla umanong pumasok sa kanilang bahay ang ilang municipal personnel habang siya ay nasa taping. Aniya, wala itong dalang notice o anumang dokumento, dahilan para maramdaman nilang tila sila ay ni-raid at hinaras. “Nagulat kami biglang may pumasok sa bahay namin. Mga official sa munisipyo. Nag trespassing sila sa bahay namin at take note walang dalang ‘notice’,” ani Rosmar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, ang pickleball image na kumalat online ay hindi totoong pasilidad kundi isang AI-edited concept lamang. “Luh? Inedit ko lang sa AI un kasi naisip ko na gusto ko mag lagay sana ng pickle ball dito,” paliwanag niya.
Kalaunan, sinabi ng isang department head na nagkaroon ng pagkakamali at ang notice ay para sa ibang establishment. Gayunman, hindi kumbinsido si Rosmar dahil tila alam umano ng mga personnel kung saan pupunta.
Lumipat ang usapin sa resort at hotel permits, ngunit iginiit ni Rosmar na lahat ng kanilang permits ay maayos na na-renew. “Nag babayad kami ng maayos at nag cocomply kami,” aniya. Binanggit din niya ang kanilang kontribusyon sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng buwis, investments, at pagbibigay ng trabaho.
Sa kabila ng mga nangyari, pinuri ni Rosmar ang mayor ng Calauan at sinabing hindi ito sangkot sa insidente. “NAPAKABAIT NG MAYOR NG CALAUAN LAGUNA. Pero tao nya sisira sakanya,” dagdag niya.
Si Rosmar Tan ay kilala bilang isang negosyante at social media personality na aktibong nagtatayo ng iba’t ibang negosyo gaya ng resort, paresan, at Food Avenue project. Sa kabila ng mga hamon, nananatili siyang matatag sa layunin na magbigay ng trabaho at oportunidad sa mga taga-Calauan.
Kaugnay nito, kamakailan ay naging usap-usapan din ang matapang na sagot ni Rosmar sa mga bashers. Sa artikulong inilathala ng Kami.com.ph, nanindigan siya laban sa mga negatibong komento at iginiit na hindi siya matitinag sa kanyang mga plano.
Bukod pa rito, nagsalita rin si Rosmar tungkol sa reklamo ng pamilya ng yumaong staff. Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag niya ang panig ng kanilang kumpanya at kung paano nila tinutugunan ang mga isyu sa kanilang operasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

