Toni Fowler, pinakita ang unang naipundar niya ngayong taon

Toni Fowler, pinakita ang unang naipundar niya ngayong taon

- Binahagi ni Toni Fowler ang aniya ay kauna-unahang naipundar niya ngayong taon

- Aniya, katas umano ito ng binibenta niyang sarili niyang skin care product na FAB

- Ayon pa kay Toni hindi pa tapos ang bahay na nabili dahil pinapagawa pa ang ikatlong palapag

- Unti-unti niya na raw nasisimulang ipundar ang kanyang pamana sa anak na si Tyronia sakali mang mawala na siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Toni Fowler sa kanyang post ang bagong bahay na kanyang nabili. Ito umano ang kauna-unahang naipuntar niya ngayong taon at katas umano ito ng binibenta niyang sarili niyang skin care product na FAB.

Toni Fowler, pinakita ang unang naipundar niya ngayong taon
Toni Fowler, pinakita ang unang naipundar niya ngayong taon (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ayon pa kay Toni hindi pa tapos ang bahay na nabili dahil pinapagawa pa ang ikatlong palapag.

Di pa yan tapos (pinapagawa ko pa 3rd floor) pero gusto ko lang ishare sainyo. Buong buhay namin ng pamilya ko ay palagi kaming naka renta wala saamin ang may sariling bahay.

Unti-unti niya na raw nasisimulang ipundar ang kanyang pamana sa anak na si Tyronia sakali mang mawala na siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inti unti ko ng nasisimulan ang mga pamana ko kay Tyronia Fowler pag ako ay namaalam na sa mundong to.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel