Pastillas Girl, muntik tamaan ng binatong bote habang nasa concert ni Skusta Clee

Pastillas Girl, muntik tamaan ng binatong bote habang nasa concert ni Skusta Clee

- Muntik nang tamaan si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl ng bote na ibinato sa entablado

- Ito ay naganap sa concert ni Skusta Clee sa Vancouver, British Columbia sa Canada nitong Sabado

- Gayunpaman, nilinaw ng mga personal na nakapanuod ng concert na hindi si Pastillas ang puntirya ng naturang audience

- Ayon sa organizer ng naturaang concert, nagkainitan ang ilang concert-goers at security personnel na nasa kabilang gilid ng entablado at nagkataon lamang na si Angelica ang nagsasalita nang magkabatuhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ngayon si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl matapos mag-viral ang mga video ng pag-ilag niya sa binatong bote habang nasa entablado siya. Ayon sa organizer ng naturang concert, nagkainitan ang ilang concert-goers at security personnel na nasa kabilang gilid ng entablado at nagkataon lamang na si Angelica ang nagsasalita nang magkabatuhan.

Read also

Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher"

Pastillas Girl, muntik tamaan ng binatong bote habang nasa concert ni Skusta Clee
Pastillas Girl, muntik tamaan ng binatong bote habang nasa concert ni Skusta Clee (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Naganap ito sa concert ni Skusta Clee sa Vancouver, British Columbia sa Canada nitong Sabado. Kabilang sina Pastillas Girl, Flow G , Skusta Clee at Jroa sa mga performers sa naturang concert.

Natuloy naman umano ang concert nang mapaalis ang nanggulo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, maging sa TikTok ay kalat na ang mga video na kuha sa naturang concert. Wala pang nilalabas na pahayag si Angelica kaugnay sa pangyayari.

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Naging usap-usapan ang content creator na si MG matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalmahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Read also

Cristy, nagbabala umano kay Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap; "Papatulan ka niya"

Kamakailan ay binahagi ni Pastillas girl ang video kung saan sumailalim siya sa rhinoplasty. Isa umano sa dahilan ng kanyang naging pasya ay dahil gusto niyang umayos ang paghinga niya dahil matagal nang barado ang isang bahagi ng ilong niya. Aniya, bonus na lang para sa kanya ang magiging kalalabasan sa kanyang itsura kapag natapos na ang kanyang operasyon. Masaya naman siya nang makita ang kinalabasan ng pinagawa niya matapos matanggal ang takip sa kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel