Lalaking may kapansanan, gumawa ng sariling scooter upang makapasok sa paaralan

- Isang lalaking may kapansanan ang nagpakita ng kanyang determinasyon sa pag-aaral

- Dahil mahina ang kanyang mga paa at hirap maglakad, gumawa na lang siya ng kanyang sariling scooter

- Araw-araw ginagamit ng lalaki ang kanyang scooter papunta sa paaralan sa tulong ng kanyang tatay at pamangkin

- Pangarap ng lalaki na makapagtapos ng pag-aaral upang mapalitan ang sakripisyo ng kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naging hadlang para sa isang lalaki ang kanyang kapansan para magpatuloy sa kanyang pag-aaral.

Nalaman ng KAMI na ang 22 anyos na si Angelo Arradaza ay gumawa ng kanyang sariling scooter para makapasok siya sa eskwelahan araw-araw.

Ayon sa documentary ng GMA News Front Row, nagsariling sikap si Angelo upang buohin ang kanyang scooter.

Kwento ng kanyang nanay, 14 anyos na si Angelo nang pumasok ito sa paaaralan. Noon, dahil hindi pa mabigat ang timbang nito, sinasakay pa siya sa kalabaw papunta sa eskwelahan.

Sabi ni Angelo, isang araw na lang daw ay naisip niyang gumawa ng kanyang sariling sasakyan upang makapasok siya. Giit pa nito, ayaw na raw niya mahirapan ang mga magulang niya at nais na lang niya makatulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpahanap daw ng mga piraso ng kahoy si Angelo sa nanay niya. Mula rito, binuo niya ang kanyang scooter. Lahat ito ay gawa sa kahoy, maliban na lang sa gulong, preno, at side mirror.

Upang makarating sa eskwelahan, tinutulak ang scooter ni Angelo ng kanyang tatay o kaya naman mga pamangkin.

Kwento ni Angelo, may mga hindi inaasahang pagkakataon na nalalaglag siya sa scooter dahil sa lubak. Subalit, hindi naman daw ito dahilan upang itigil ang kanyang pag-aaral.

Giit pa niya, ang kanyang pangarap ay makatapos sa pag-aaral para mapalitan ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ng kanyang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Related news