Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

- Ipinasilip ni Ivana Alawi kung ano ang laman ng kanyang customized van

- Ipinagawa niya talaga ito para sa mga tapings subalit bigla naman umanong nagkaroon ng pandemic

- Nagagamit na lamang nila ito sa mga lakad ng pamilya subalit sa ngayon, halos hindi na rin magamit at aminadong hindi sila lumalabas madalas ng bahay

- Itinuring na rin niya itong ikalawang bahay dahil halos kumpleto na ang kanyang van na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni Ivana Alawi ang lamang ng kanyang customized van.

Nalaman ng KAMI na talagang ipinagawa ito ni Ivana, nasa apat na taon na ang nakalipas para maging komportable pa rin siya sa mga tapings.

Sa pinakabagong vlog na inilabas niya nitong May 6, inisa-isa ni Ivana ang bahagi ng kanyang van.

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Inuna niyang ipakita ang tinagurian niyang "sari-sari store" kung saan ipinakita niya ang naka-imbak niyang mga pagkain sa takot niyang magutom sa kanyang tapings noon.

Read also

Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

Ibinida rin niya ang upuan na nagiging kama kaya naman kahit na mapagod at makatulog siya, hindi siya mahihirapan.

Kumpleto rin ang kanyang eating utensils dahil mas gusto niyang kumain na lamang sa loob ng kanyang van.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hindi rin mawawala ang kanyang hygiene kit at ilang piraso na extra na damit upang masiguro na lagi siyang "fresh" sa trabaho.

Subalit dahil sa pandemya, hindi na rin masyadong nagagamit ang van na ito. Bukod sa wala na siyang mga tapings at shooting, hindi na rin naman lumalabas masyado ang kanyang pamilya bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12.9 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Donnalyn Bartolome, binahagi ang mga mensahe ng sugar daddy applicants sa kanya

Marami ang lalong humanga kay Ivana lalo na at madalas niyang maitampok sa kanyang mga vlog ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, sa video kung saan nag-inuman sila ng kapatid niyang si Hashim ay nakuha pa rin ng aktres na mamigay ng tulong pinansyal kahit na siya ay nalasing na.

Naging usap-usapan din nitong nakaraang buwan ang pagtulong niya sa isang kutsinta vendor na binigyan niya ng tulong pinansyal, mga kagamitan sa bahay at bagong motorsiklo dahil labis niyang hinangaan ito.

Matatandaang ang kutsinta vendor na ito ang tumulong sa kanya noong nagpanggap siya bilang isang pulubi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel