Raffy Tulfo, nakapanayam muli ang OFW na sobrang nakapagpatawa sa kanya sa RTIA

- Muli na namang nakapanayam ni Raffy Tulfo ang OFW na nais malaman kung siya nga ba ang ama ng dating nobya

- Hindi siya makakalimutan ni Tulfo dahil sa makukulit na nasabi noon ng OFW sa unang panayam sa kanya ni Tulfo

- Ngayon naman, napansin ng mga netizens na tila kamukha raw ni Derek Ramsay ang OFW habang ang dati namang nobya nito ay kamukha ni Christine Reyes

- Natuwa muli si Tulfo sa dalawa lalo na nang kumanta pa nang bigla na lamang nagpaunlak na kumanta ang dating nobya ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam muli ni Raffy Tulfo ang OFW na si Guillermo Bancia Jr. na minsan nang naging panauhin nila sa programang 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na sa dinami-rami ng mga naging panauhin ni Tulfo sa kanyang programa, hindi pa rin daw niya malilimutan si Guillermo na sobrang nakapagpatawa sa kanya dahil sa mga makukulit nitong komento tungkol sa nabanggit na pagkakaiba nila ng sinasabi niyang anak niya sa dating kasintahan na si Jovilie Baguio.

Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo

Matatandaang, dumulog si Guillermo kay Tulfo dahil nais niyang malaman kung anak niya ang batang mag-isang tinaguyod ni Jovilie.

Pilit kasi itong itinatanggi ng babae kaya naman upang malaman na nila ang katotohanan, ipina-DNA ni Tulfo si Guillermo ang sinasabi niyang kanyang anak.

Kaya naman sa muling panayam ni Tulfo kina Guillermo at Jovilie ay hawak na niya ang resulta ng isinagawang DNA test para sa ikatatahimik ng dalawa.

Ngunit bago niya masabi ang resulta, ilang netizens ang nakapansin umano na kahawig daw ni Guillermo ang aktor na si Derek Ramsay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Muli na namang natuwa si Tulfo sa kanyang panauhin na itinatanggi naman ang komento ng netizen.

At maging si Jovilie ay 'di nakawala sa mga mapanuring mata ng mga tagasubaybay ni Tulfo at napansing kamukha naman nito si Christine Reyes.

PBA player Jio Jalalon, tuluyan nang ipina-Tulfo ng kanyang misis dahil sa umano'y panloloko

Nabalot na naman ng kasiyahan ang episode at ngayon ay may kasama namang kilig dahil sa komento ng mga tagapanood ng 'Wanted sa Radyo.'

At kahit na lumabas na hindi anak ni Guillermo ang sinasabi niyang anak niya kay Jovilie, napakanta pa ang babae na muling nagbigay kasiyahan sa programa.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

Kamakailan, agad na nabigyan ni Tulfo ng biyaya ang nag-viral na ama na sinurpresa ng kanyang mga anak lobo na mula lamang sa plastik at itlog na ginawang cake para sa kanyang kaarawan.

Gayundin ang isang asin vendor na iniwan ng misis na nabigyan ng maayos na tirahan ni Tulfo pati na rin ang food cart business upang hindi na ito kailangan pang lumayo sa kanyang mga anak habang naghahanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news