Ivana Alawi, natawa sa mga naglabasang meme ng kanyang picture

- Natawa na lamang maging si Ivana Alawi sa mga naglabasang mga meme na mula sa kanyang picture

- Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ng aktres ang mga litrato mula sa kanyang magazine cover

- Umani ng maraming nakakaaliw at nakakatawang mga memes ang futuristic-themed shoot niya

- Ibinahagi ni Ivana ang ilan sa mga meme sa kanyang Instagram stories at maging siya ay naaliw sa mga kalokohan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang Instagram stories ang mga naglabasang meme sa binahagi niyang litrato na kuha sa kanyang futuristic-themed shoot para sa cover ng isang sikat na magazine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ibinahagi ni Ivana ang kanyang litrato sa Instagram kung saan suot-suot niya ang silver na damit at ang mga nagkikinangang diamante.

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya

Agad na nag-viral ang mga picture ni Ivana at hindi ito kataka-taka dahil bukod sa dami ng mga followers nito sa social media, marami ang nagandahan sa kinalabasan ng photoshoot.

Kasunod nito ay ang paglabas ng mga meme na mula sa malikhain at mapagbirong mga Pinoy netizens.

Narito ang ilan sa mga memes na kumalat sa iba't-ibang social media platforms.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Kapuso actress na si Krystal Reyes, walang kaarte-arteng sumabak sa live selling

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news