Kris Bernal, ipinakita ang kanyang asong si Pogi na kanyang na-rescue

- Ipinakita ni Kris Bernal ang isa sa kanyang na-rescue na mga aso na mas maayos na ang kalagayan

- Karamihan umano sa kanyang mga inaalagaang aso at pusa sa bahay ay kanyang ni-rescue

- Isa sa mga ito ang aso na kanyang pinangalanang Pogi dahil pinangako umano ng aktres na gagawin niya ang kanyang makakaya para maging pogi uli ito

- Ipinakita ng aktres ang malaking pagbabago sa itsura ng nasabing aso matapos niya itong alagaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kris Bernal ang itsura ng kanyang na-rescue na aso na kanyang pinagalanang Pogi. Aniya, kaya iyon ang ipinangalan niya sa aso ay dahil pinangako niya sa sariling magiging pogi uli ito.

Makikita sa kanyang ibinahaging litrato na halos wala itong balahibo nang una niyang makuha dahil sa tila sakit nito sa balat.

Kwento pa ng aktres, pito ang kanyang alagang aso at tatlo namang pusa. Dalawa lamang umano sa mga ito ang binigay sa kanya at pawang mga na-rescue niya ang ibang alaga.

Sunshine Cruz, nagbahagi ng bagong update sa kanyang recovery

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din ni Kris ang naging itsura ni Pogi matapos niyang maalagaan ito. Tumubo na ang puti nitong balahibo at makikitang masigla na rin ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

Bukod sa kanyang matagumpay na negosyo, hilig din ni Kris ibahagi ang kanyang workout routines sa kanyang social media account. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging masigasig sa pagwo-workout upang makamit ang kanyang #bodygoals.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sekyu na umiiyak sa viral video, mabibigyan na ng sahod sa tulong ni Raffy Tulfo

Gayunpaman, ilang beses nang nakaranas ng body-shaming ang aktres dahil sa kanyang pagpapapayat. Kaya naman, nagbahagi siya ng mensahe para sa mga kagaya niyang nahahamak sa social media dahil sa kanyang katawan.

Matatandaang naging emosyonal ang aktres dahil sa mga hindi kaaya-ayang komento ng mga netizens kaugnay sa kanyang pagpapapayat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news