Luis Manzano, siningil si Alex Gonzaga matapos ang viral prank kay Hipon Girl

- Muli na namang nagkulitan sa social media ang magkaibigang Luis Manzano at Alex Gonzaga

- Sa isang Instagram post ni Alex, napa-react si Luis matapos bilhan ng actress-vlogger ng Gucci si Herlene "Hipon Girl" Budol sa last vlog nito

- Ayon kay Luis, mabuti pa raw si Herlene, na unang beses palang nag-guest sa vlog ni Alex ay nabigyan na nito ng mamahaling regalo

- At tulad ng dati, hindi na naman nagpatalo si Alex sa pang-aasar sa kanya ni Luis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang naaliw ng magkaibigang Luis Manzano at Alex Gonzaga ang mga netizens dahil sa kanilang humor.

Sa latest Instagram post ni Alex kung saan ibinahagi niya ang teaser ng latest vlog niya kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol, hindi napigilan ni Luis na mag-react.

Mommy Pinty, ginamit ni Alex Gonzaga para takutin si Herlene 'Hipon' Budol

Sa nasabing vlog, pinaiyak ni Alex ang dating co-host ni Willie Revillame matapos bilhan ng Gucci bag at shoes.

"Pambihira, sya may gucci?!? Tapos kaming mga unang guest hanggang ngayon wala pang abot?!? Catherine naman, nagugutom rin kami... nganga pa rin kami e," sabi ng actor-host sa comment section ng IG post ni Alex.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero tila hindi umubra sa actress/vlogger ang pagpaparinig ni Luis.

"@luckymanzano tumigil ka inorderan mo ko ng 2 pizza malaki sabi mo para sakin inubos mo mag-isa," sagot ni Alex.

"@cathygonzaga mas marami pa kong guesting sa vlog mo kumpara sa sarili mo."

"@luckymanzano hahahahaha nagpapacalltime ka nga sa vlog ko. Nilagay mo nga sa profile mo regular show mo vlog ko."

Samantala, maraming netizens ang nagre-request na ng part two ng naturang vlog ni Alex. Marami sa kanila ang natuwa sa tandem nito at ni Hipon Girl.

Heaven Peralejo, inaming naapektuhan sa bashers; nagpositibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Una nang naiulat ng KAMI nang gamitin ni Alex ang pangalan ni Mommy Pinty Gonzaga para takutin si Herlene, na bentang-benta rin sa mga netizens.

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nag-react si Luis Manzano matapos mapuna ng mga netizens ang kanyang kuko sa isang larawan na kuha noong kasal nila ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Related news