Kapuso actress na si Krystal Reyes, walang kaarte-arteng sumabak sa live selling

- Marami ang lalong humanga sa pagiging madiskarte ng Kapuso actress na si Krystal Reyes

- Kamakailan ay pinasok na rin nito ang pag-oonline selling at hindi nito ikinahiya ang pagsabak sa live selling

- Iba't-ibang klaseng mga damit ang kanyang ibinibenta at maging siya ay sinusuot ang mga damit para ipakita ito sa mga customer

- Mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel kagaya ng karamihan sa mga artista sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsilbing inspirasyon ang Kapuso actress na si Krystal Reyes dahil sa pinakita nitong pagiging madiskarte sa kasalukuyang panahon ng pandemya.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito ikinahiya na magbenta gamit ang kanyang social media account.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hashim Alawi, muling na-prank ang kanyang mga kapatid at ina

Marami sa mga online seller ang lalong na-inspire na maging ang isang sikat na artista ay nagsusumikap at hindi ikinahiyang mag-live selling.

Mismong si Krystal ay nagsusuot ng mga damit na kanilang binibenta para ipakita sa mga mamimili kung ano ang itsura ng mga damit kapag sinuot na ang mga ito.

Pinasok na rin niya ang paggawa ng mga YouTube video kagaya ng ginagawa ng karamihan sa mga artista lalo sa panahon ngayon na limitado at hindi gaanong mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapagtrabaho.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Krystal Reyes o Jolina Marie Bautista Reyesay nakilala sa kanyang pagganap sa teleseryeng Bakekang. Bumida ang Kapuso actress sa teleseryrng Mga Mata ni Anghelita kung saan gumanap siya bilang si Anghelita.

Kinilala siya ng PMPC Star Awards for Television bilang Best Children's Show Host kasama sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba para sa palabas na Art Angel noong 2007.

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, hindi lamang si Krystal ang artistang pumasok sa pag-oonline selling simula nang magkaroon ng pandemya. Maging ang TV host at aktres na si Lovely Abella ay napalago din ang kabuhayan sa pamamagitan ng online selling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news