Isang babaeng mag-isang nagdiwang ng kanyang kaarawan, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa isang video ng isang babae na makikitang mag-isang nakaupo sa isang kainan

- May kausap ito sa telepono ngunit makikitang naiyak ito at naiiling nang matapos ang kanyang pakikipag-usap sa kanyang telepono

- Kinalaunan ay binuksan nito ang kanyang cake at mag-isang kumanta habang sinasabayan ng pagpapalakpak

- Makikita ang pagkagalak nito nang sinamahan siya ng mga tao sa kainan sa pagkanta at binati siya ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang isang nakakaantig na video ng isang babae na kuha sa isang kainan. Kung pagbabasehan ang nasabing video kuha ito nitong nagkaroon na ng pandemya dahil lahat ng tao sa naturang video ay nakasuot ng facemask.

Ibinahagi na TikTok user na may handle na @jhayvee44 ang video na nag-viral na maging sa Facebook.

Makikita sa nasabing video na may kausap sa telepono ang babae habang may puting kahon sa mesa. Kuha ito sa isang kainan.

Video ng umano'y kababalaghang nangyari sa isang bahay, viral na

Matapos ang pakikipag-usap sa telepono, makikita ang kalungkutan ng babae.

Maya-maya pa ay binuksan na nito ang cake at kumanta nang mag-isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito ay nagsilapitan ang mga taong naroroon at sinabayan siya ng pagkanta.

Makikita naman ang pagkatuwa nito dahil sa ginawa ng mga taong naroroon.

Marami ang naantig sa nasabing video na karamihan ay naalala ang kani-kanilang mga ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news