Raffy Tulfo, ipinag-shopping ng mga halaman ang kanyang misis na si Jocelyn

- Ibinahagi ni Raffy Tulfo ang naging bonding moment nila ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn Tulfo

- Dumayo pa sila sa Silang, Cavite para lamang ipamili ng mga halaman ang kanyang misis

- Lahat daw ng klaseng halaman na matipuhan ng ni Rep. Jocelyn ay bibilhin ng kanyang asawa

- Naikwento pa ni "idol Raffy" na mayroon pala siyang "green thumb" ayon sa kanyang ina kaya anumang itanim niya ay nabubuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila Valentine's day pa rin sa mag-asawang sina Raffy Tulfo at Congresswoman Jocelyn Tulfo dahil sa ibinahagi nilang bonding moment sa paghahanap ng mga halaman.

Nalaman ng KAMI na bibilhan ni Tulfo ang kanyang misis ng kahit anong halaman na naisin nito mula sa Mother Earth Gardens sa Silang, Cavite.

Nakilala nila ang may-ari nito na si Lita Mascariñas na siyang nagpakita ng nasa mahigit sa isang daang klase ng mga halaman sa kanyang hardin.

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Bagaman at nakakalula ang mga presyo ng mga halaman, makikita naman kung gaano ito naaalagaan.

Aliw na aliw din si Tulfo na naninigin at nagtatanong ng presyo ng iba't ibang uri ng mga maliit at malalaking halaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naikwento niyang mayroon pala siyang "green thumb" ayon sa kanyang ina kaya naman anumang itanim niya ay nabubuhay.

Labis na nasiyahan ang mag-asawang sina Raffy at Jocelyn dahil tila naging theraphy para sa kanila ang pagbisita sa Mother Earth Gardens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan halos 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Marisol Abduhraman ng GMA, madalas mag-volunteer sa mga "buwis-buhay" na coverage

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, sunod-sunod na mga surpresa ang natanggap ni Congresswoman Jocelyn mula sa asawang si Raffy at kanyang mga anak sa pagdiriwang niya ng kaarawan.

Magarbong Valentine's date din ang naihanda ni Tulfo para sa kanyang misis at ito raw ang paraan niya para makabawi sa nakalimutan niyang birthday gift para rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news