Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022

Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022

- Nanindigan si Mayor Sara Duterte na hindi talaga siya tatakbo sa pagka-pangulo

- Ayon sa alkalde ay hindi pa nagbabago ang desisyon niya sa ngayon

- Hindi siya nagbigay ng mga dahilan kung bakit ayaw niyang pagbigyan ang kanyang mga taga-suporta

- Gusto rin niyang ipatanggal ang mga tarpaulin at billboard na ipinost ng mga taga-suporta niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinabi ni Mayor Sara Duterte na hindi pa rin nagbabago ang pasya niya na hindi tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa eleksyon 2022.

Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022
Mayor Sara Duterte (Photo credit: @davaocitygov)
Source: Facebook

Nitong Lunes, ika-22 ng Pebrero, ay nagpaunlak ng panayam ang alkalde sa Special Hour ng Davao City Disaster Radio.

Ayon kay Mayor Sara, sigurado siyang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa kabila ng pag-uudyok sa kanya ng mga taga-suporta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito

Matatandaang nanguna sa survey ang Davao City mayor sa mga gusto ng mamamayan na maging susunod na pangulo.

“Naghatag na man ko sa akoang comment about it and wala man sya naga-change. Tingali siguro ang mga tao, because wala koy ginahatag na rason kung nganong dili ko gusto modagan pagkapangulo, sa ilahang tan-aw siguro there is this chance nga tingali magbag-o akoang huna-huna or wala ko nagsulti og tinood.”
(Nagbigay na ako ng komento tungkol diyan. Hindi iyon nagbago. Siguro dahil hindi ako nagbibigay ng dahilan kung bakit ayaw kung tumakbo sa pagka-Presidente ay inaakala ng mga tao na baka magbago pa ang isip ko o nagsisinungaling lang ako.)

Pinasalamatan pa rin ng alkalde ang kanyang mga taga-suporta dahil sa kanilang tiwala at kumpiyansa sa kanya.

“So, ang akoa na lang ginasulti pirmi is nagapasalamat ko sa ilahang trust and confidence sa akoa and nagapasalamat ko sa ilahang suporta sa akoa but I already answered that.”

Read also

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

(Ang lagi kong sinasabi sa kanila ay nagpapasalamat ako para sa kanilang tiwala at kumpiyansa sa akin at nagpapasalamat ako sa kanilang suporta sa akin pero sinagot ko na ‘yan.)

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nanindigan si Duterte na hindi magbabago ang pasya niya sa ngayon. Sinabi rin niya na hindi siya magbibigay ng mga dahilan kung bakit dahil marami raw ito. Ayaw rin daw niya na makasakit o maka-offend sa ibang tao.

Hinihinala ng ibang mamamayan na may kinalaman dito ang pahayag ng kanyang ama na hindi pambabae ang pinaka-mataas na posisyon sa gobyerno.

Nagpa-alala rin ang alkalde sa kanyang mga taga-suporta tungkol sa pagpo-post ng mga tarpaulin at billboards para sa kanya. Gusto niyang tanggalin ang mga ito.

“Let me know kung asa ang area para matanggal nato and mabalik sa tag-iya”
(Ipaalam niyo sa akin kung nasaan ang mga iyan upang matanggal natin at maibalik sa may-ari.)

Read also

Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sara Duterte ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya gusto tumakbo sa pagka-pangulo ang anak dahil sa hindi raw pambabae ang posisyon na ito.

Matatandaang naging viral si Mayor Sara dahil sa pagsuntok niya sa mukha ng isang court sheriff noon. Marami ang nag-react dito, kasama na ang mga celebrities, kagaya ni Barbie Imperial.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel