Manny Pacquiao, sinagot ang netizen na nagpaalam na ligawan ang kaniyang anak

- Kinaaliwan ngayon ng mga netizens ang naging tugon ni Manny Pacquaio sa komento ng isang netizen

- Nagpaalam ito kung pwede daw ligawan nito ang babaeng anak ni Manny na si Queenie Pacquiao

- Kinantiyawan naman siya ng mga netizens dahil sa lakas umano ng loob niyang magpaalam sa Pambansang Kamao

- Sinagot naman siya ni Manny ng maiksing "Hindi" na muling umani ng reaksiyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang naging tampulan ng pang-aalaska mula sa ibang netizens matapos siyang sagutin ni Manny Pacquiao nang magpaalam ito kung pwede daw ba niya ligawan ang anak ng senador.

Sa isang picture na ibinahagi ni Manny, makikita na kasama niya ang anak na si Queenie na may hawak na camera.

Sa kabila ng mga biruan ng mga netizens sa komentong ito ng netizens, isang simple at maiksing "bawal" ang naging tugon ng senador.

Dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes, muling binanatan ang aktor

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Queenie ay pang-apat na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa naging tugon ng senador:

Sabi ni manny pwede naman basta saluhin mo muna suntok ko.
Kung boksengero ka pwede. Kung makapasa sa suntukan push na yan.
Wala ata sa katinuan yun. Kabata bata pa nga ng anak ni Manny eh.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Kamakailan ay pinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Batangas. Ikinatakot ng maybahay ni Manny ang surpresang inihanda para sa kaarawan niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news