Elha Nympha at Brian Gazmen, hiwalay na

- Ibinunyag ni Brian Gazmen na hiwalay na nga sila ng teen singer na si Elha Nympha

- Ibinahagi niya ang kanyang rebelasyon sa pamamagitan ng isang TikTok video at maging sa Twitter

- Matapos lumabas ang TikTok video ni Bryan, isang nakakaintrigang pahayag ang ibinahagi ni Elha na tila pasaring sa rebelasyon ni Brian

- Matatandaang isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang relasyon nitong Agosto ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkahiwalay na ang magkasintahang Elha Nympha ay Brian Gazmen. Ito ay ibinunyag ni Brian sa Twitter Noong November 27 kung saan inihayag nitong single siya at masaya. Kasunod nito ay isang TikTok video na kanyang inilabas ngayong Linggo, November 29 ang naging hot topic sa social media.

"So a lot of people are asking, 'break na ba kayo?' I just have one answer. It is sad to say po na break na po kami ni Elha Nympha," ani Brian.

Asawa ni April Boy Regino, napahagulgol sa pagpanaw ng asawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Masyado pong mahaba 'yung istorya ng pag-break namin. Hindi po kakayanin ng isang TikTok video pero 'yun po ang totoo," dagdag pa nito.

Kasunod ng paglabas ng naturang TikTok video, tila isang pasaring ang naging tugon ni Elha.

"Ay sad ka pala hahahah. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang."

"The audacity," dagdag pa ng teen singer.

Matatandaang nitong Agosto ng kasalukuyang taon, isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanyang Instagram account ay unang pinaalam ni Brian ang tungkol sa pagiging espesyal ng dalaga para sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mga nakatrabaho ni April Boy Regino, labis na ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

Si Elha Nympha ay tinanghal na grand champion ng The Voice Kids. Naging bahagi siya ng ilang Kapamilya shows kagaya na lamang ng Your Face Sounds Familiar Kids. Samantala si Brian naman ay talent ng Star Music 2018.

Bukod sa pag-amin sa pagkakaroon ng boyfriend, naging usap-usapan si Elha matapos niyang gulatin ang publiko sa kanyang transformation. Aminado naman siyang hindi naging madali ang kanyang pagpapapayat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Related news